Andi, Nagpapasalamat Sa Maganda Niyang Buhay Ngayon Dahil Sa Dagat

Naging saksi ang dagat sa pagyakap ng aktres na si Andi Eigenmann sa buhay nito ngayon. Maraming magandang bagay ang nangyari sa kanya simula ng una niyang marating ang dagat na ito sa Isla ng Siargao.

Credit: Instagram / andieigengirl

Dahil nga sa atlethic ang aktres ay naisipan nitong magbakasyon at mag-surfing sa Isla ng Siargao kung saan kilala ang Siargao sa malalaki nitong alon na gustong-gusto ng mga surfers. At sunod-sunod na nga ang pangyayari sa buhay ng aktres na nakapagpabago ng buhay nito.

Credit: Instagram / andieigengirl

Una na riyan ang simula ng pag-iibigan nila ng asawang si Philmar Alipayo. Dito niya unang nakilala si Philmar na isang professional at champion sa surfing noon sa isla. Hindi nga nagtagal at unti-unting binuo ng aktres ang pamilya sa islang ito. Syempre, hindi mawawala ang dagat sa masasayang bahagi ng buhay ng aktres. Sa katunayan naging paraiso kay Andi ang dagat at isla ng Siargao. Naging malaking parte ito ng paggawa ng aktres ng desisyon at pagpili sa buhay na matagal ng ninanais.

Credit: Instagram / andieigengirl

Ang dagat din ang unang saksi sa pagdadalang-tao nito sa unang anak nila ni Philmar na si Lilo. Kasabay ng pagbubuntis ng aktres ay naganap ang engagement ng dalawa. Masayang ibinahagi ng aktres ang prenup photo nito kasama ang asawa sa ilalim ng dagat. Makikita ang kasiyahan ni Andi at Philmar habang ipinakikita sa larawan ang singsing sa kamay ng aktres patunay ng nalalapit nilang kasal.

Credit: Instagram / andieigengirl

“I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one. It would have been ok regardless, but it did happen. And it happened the way I wanted it and so much more. Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be.”

Credit: Instagram / andieigengirl

Sa islang ito na rin niya napiling mamuhay kasama ng mga anak at asawa. Bilang pasasalamat naman sa mga pagpapala na bigay ng dagat, nagpost ang aktres sa social media nito at sinabing marami umanong ibinigay ang dagat na lubos na nagpasaya sa kanya. Nangako rin ang aktres na aalagaan ang dagat gayundin gagamitin niya ang kanyang boses upang magbigay ng edukasyon ukol sa pagbibigay kaalaman sa tamang pangangalaga ng dagat na nagbibigay sa ating lahat ng buhay.

Matutong sumabay sa agos ng buhay dahil hindi mo alam kung saan ka dadalhin nito. Ngunit kung magiging matatag sa bawat paghampas ng alon sa buhay mo, tiyak isang magandang pagpapala ang makakamit sa huli.

Leave a Reply