Assunta, Ibinahagi Ang Saya Ng Pagkakaroon Ng Anak Makalipas Ang 16 Na Taon

‘Miracle baby’ nga kung ituring ng aktres na si Assunta de Rossi-Ledesma ang anak nitong pinangalang Fiore. Kasal ang aktres sa politiko at galing sa prominenteng pamilya na si Jules Ledesma.

Credit: Facebook / Pinoy Viking

Maaga ngang lumagay sa tahimik ang aktres na si Assunta taong 2002 at 2004 kung saan dalawang beses silang ikinasal, kasalukuyang 19-anyos pa lamang at nasa gitna ng karera bilang artista. Hindi inaasahan ng aktres at maging asawa nito na matatagalan pala itong magkaroon ng anak. Ngunit sa nakalipas na 16 na taon, naging positibo ang mag-asawa at nanalig na bibiyayaan sila ng Diyos ng anak. Sa katunayan, naging mas matibay ang relasyon ng mag-asawa sa paglipas ng panahon.

Credit: Instagram / Assunta Ledesma

Hanggang sa kamakailan nga ay ginulat ng aktres ang publiko sa magandang balita nito. Masaya at puno ng excitement na ibinalita ng aktres ang kanyang pagdadalang-tao. Pero sa kabila ng biyayang natamo, dumaan naman si Assunta sa matinding hirap ng pagbubuntis. Kasabay pala ng pagdadalang-tao nito ay nagkaroon ang aktres ng myoma at endometriosis.

Credit: Philippine Star

Maraming netizen ang nagpaabot ng pagkatuwa sa balitang ito ni Assunta. Maging ang pamilya nito ay hindi pagsidlan ng galak at tuwa. Trending din ang makukulit na post ng kapatid nitong si Alessandra de Rossi. Madalas ngang laman ng Instagram post ni Alessandra ang mag-inang Assunta at Fiore.

Credit: Instagram / msderossi

” I said lalamove the baby! Why is the mother here?” Natawa naman ang netizens sa makulit na banat ng aktres.

Credit: Instagram / msderossi

Isang malambing na Instagram post naman ang pinusuan ng netizen kung saan naka-caption, “No gala? No problem! Zia will give you a world of your own. My little flower.” Kung saan makikitang enjoy ang mag-tita sa pagtatampisaw sa inflatable pool.

Credit: Instagram / msderossi

Makikita at madadama sa aktres ang labis na pagmamahal nito sa pamangkin na kaytagal nilang hinitay. Katunayan isa sa ipinangalan kay Fiore ay hango sa pangalan ni Alessandra. Pagsasaad ni Assunta, ang pangalan ng kanyang anak ay pagbibigay-pugay sa ilan sa kanyang mahal sa buhay.

Credit: Instagram / msderossi

Una, “Giulia” para sa kanyang paternal great-grandfather, Don Julio. “Fiorentina” para sa kanyang paternal great-grandmother, Dona Fiorentina o kilala rin sa pangalang Lola Puring. At “Alessandra” para sa kanyang kapatid na si Alessandra at sa kanilang Lola Alejandra. Gusto rin umano nito ang kahulugan ng pangalang ito— “defender/protector” o sa kabuuan, Giulia Fiorentina Alessandra.

Credit: Instagram / msderossi

Kapag nga naman ipinagdasal mo ang isang bagay na gustong-gusto mo at ito’y hiniling ng bukal na puso, asahang ibibigay at ipagkakaloob ito ng Diyos Ama—sa tamang panahon at pagkakataon tulad na lamang ng kay Assunta De Rossi-Ledesma.

Leave a Reply