17-Anyos na Dalaga Nakapagpatayo ng Bahay Para sa Amang Na-Stroke

Isang nakakaantig na kwento muli ang ibinahagi ng Youtuber na si Virgelyncares tungkol sa isang 17-anyos na dalaga na nakilala sa pangalang Clara na sa murang edad ay kinailangan ng magbanat ng buto para matustusan ang pangangailangan nilang mag-ama sa araw-araw.

Sa vlog na ini-upload ni Virgelyncares, ibinahagi nito na dating tindera sa isang bakery si Clara kung siya madalas na bumibili ng tinapay at noong pagbalik niya dito ay napag-alaman niya na hindi na pala doon nagtatrabaho ang dalaga. Kaya naman naisip niya na puntahan si Clara mismo sa kanilang tahanan kung saan naabutan niya ito na naghahanda ng kaniyang mga paninda.

Source: Virgelyncares 2.0 / Youtube

Si Clara pala ay naglalako na ng mga meryenda at siya ay nakikipwesto lamang sa kaniyang kapitbahay na mayroong mabuting kalooban. Bukod dito, siya din ay isang online seller at pinagsasabay niyang ibinebenta ang ilan sa kaniyang mga produkto at mga merienda na inilalako.

Source: Virgelyncares 2.0 / Youtube

Sa murang edad pa lamang, kinailangan ng magbanat ng buto ng dalaga para matustusan ang pangangailangan nilang mag-ama. Ang kaniyang ina kasi ay iniwan na sila samantalang hindi naman makapagtrabaho ang kaniyang ama sa ngayon dahil ito ay na-stroke at hindi na din makagalaw at makapagsalita ng maayos.

Source: Virgelyncares 2.0 / Youtube

Ngunit, ang mas nakakamangha dito ay sa edad na 17 ay nakapagpatayo na si Klara ng sarili nilang bahay na mag-ama. Ayon kay Clara, naawa siya sa kaniyang ama na walang maayos na nasisilungan kapag iniiwan niya ito para magtinda. Sa tulong ng kaniyang tiyo, unti-unti namang nabubuo nina Clara ang kanilang munting tahanan.

Source: Virgelyncares 2.0 / Youtube

Makikita ang labis na pagmamahal ng dalagita para sa kaniyang ina. Ngunit inamin niya na siya ay nakaramdam ng galit dahil sa pag-iwan na ginawa sa kanila ng kaniyang ina. Sa kabila ng nangyari, nais pa din ng dalaga na bumalik sa piling nila ang kaniyang nanay lalo na ngayon na malapit ng matapos ang munting tahanan na kanilang ipinapatayo.

Source: Virgelyncares 2.0 / Youtube

Nabigyan din ng tulong pinansyal ang mag-ama sa tulong ni Virgelyncares at mga OFW na sumusuporta sa vlogger. Sa kasalukuyan ay may 1.1 million reactions, 111,000 shares at 33,000 comments ang nasabing post. Ating pulsuhan ang mga komento ng netizens:

Source: Virgelyncares 2.0 / Youtube

“Magandang dalaga at napakabait pa bihira na ang ganyng kabataan ngayon pagpalain ka nawa sa kabutihan mo sa ama mo sana wag kang magbabago dahil ang anak na mapagmahal sa magulang pinagpapala ng Diyos, darating ang araw matutupad mo rin ang magandang pangarap mo sa buhay. God bless you.”

“Naiyak naman ako sa iyo Clara napakaswerte ni tatay sayo ang bait mo at ang sipag napakamatalino at masinop maganda ka pa nasa yo na ang lahat ng katangian sa murang edad mo nakapagawa ka ng bahay wag ka na iiyak Clara tiyak marami na gustong tumulong sayo maraming salamat Vergelyn sa pag video at pagtulong kay Clara. Ikaw Clara maganda kang halimbawa ng kabataan tiyak marami titino na kabataan pag mapanood nila itong video mo imagine kahit hirap na hirap ka na naisip mo pa gawan ng tatay mo ng bahay Diyos ko maiyak ako talaga sayo. God bless u all I love u Clara laban lang ipagpatuloy mo yang kabaitan mo marami blessing mo kay God para sayo.”

“Beautiful inside and out napakapalad ni tatay at may mabait at maalagang anak sana lahat nang kabataan maging kagaya mo God bless u continue your hardship Clara.”

“Nakakatuwang nakakaiyak sobrang bait mo na anak gawin mo lahat para sa ikakabuti ng ama mo. Good job saludo kami sayo Clara gabayan ka ni Lord para maabot mo mga pangarap mo pray ka lang palagi ibibigay ni Lord lahat basta magsikap ka lang. God bless you.”

“Hanga ako sayo, napakaresponsible na anak, masipag at sa murang edad may naipundar na. Buti ka pa, ako nga wala pa kahit dekada na sa abroad, inggit ako sayo.”

“You’re one of a kind daughter in the world. Sana lahat ng kabataan maging inspiration ka at tularan ang kasipagan mo at mapagmahal sa magulang. God bless you always Clara. Time is gold, I’m proud of you. Ingat palagi.”

Leave a Reply