Coleen Garcia, Hindi Inilihim sa Publiko ang Naranasang “Postpartum” Pagkatapos Manganak


Unang nakilala ang aktres/TV host/ model na si Coleen Garcia sa ilang palabas sa telebisyon sa Kapamilya Channel o ABS-CBN. Ilan sa kanyang mga tumatak na palabas noon ay ang Passion De Amor at Sin Island. Madalas din siyang mapanuod noon bilang co-host sa noontime show na It’s Showtime. Kilala rin ang aktres sa imahe nitong fit at sexy. Nasaksihan din natin ang pag-iisang dibdib nila ng celebrity boyfriend at kapwa host na si Billy Crawford.

Credits: instagram/coleen

Bukod dito proud niyang ibinahagi ang kanyang pagdadalang-tao sa panganay na anak na si Baby Amari. Masayang ikwenento ng aktres at asawa nitong si Billy Crawford ang milestone ng kanilang relasyon at buhay pamilya. Aktibo ang mag-asawang Coleen at Billy Crawford sa kani-kanilang social media accounts. Hindi rin naging lihim sa publiko ang naranasang Pospartum Anxiety ni Coleen. Sa katunayan naging ‘vocal’ ang aktres sa kanyang kalagayan pagkatapos manganak.

Credit: Preview PH

Makikita sa IG post ng aktres noong kaarawan niya ang post kung saan ibinahagi niya ang kanyang pinagdadaanan. Aniya sa kanyang nasabing post: “Still trying to adjust—physically, mentally, and emotionally—to what feels like a whole new life, so I’ve kind of been in my own little bubble lately.”

Credit: instagram/coleen

Dagdag pa niya ang mga nagdaang linggo ay puno ng pagsubok ngunit nagpapasalamat at nararamdam ng matinding pagpapala gayundin determinado siyang malampasan ang mga pagsubok na ito.

Credit: instagram/coleen

Makikita rin ang matinding pagmamahal at pagsuporta ng asawa ng aktres na si Billy Crawford sa pinagdadaanan nitong Pospartum Anxiety. Katunayan gumawa ang mag-asawang Coleen at Billy ng Youtube channel na “The Crawfords” na may mahigit 500k subscribers. Sa naturang channel ibinahagi ni Coleen Garcia kung kelan nagsimula at kung paano niya nagawang lampasan ang kanyang Pospartum Anxiety. Kwento ng aktres na nalaman lamang niya ang sakit na ito ng minsang may mag-post sa kanyang kinabibilangang grupo ng mga ina.

Credit: instagram/coleen

Bilang pagtugon sa kanyang nararamdaman, naging mas positibo ang pananaw ni Coleen. Ibinihagi niya sa kanyang vlog kung paanong malalampasan ang ganitong uri ng anxiety. Ilan sa kanyang mga tips ay ang pagkakaroon ng oras sa sarili, ehersisyo, pagligo at pagkain ng masusustansya na makakatulong lalo na sa katulad niyang ‘breastfeeding mom’. Payo rin ng aktres na matutong gawin ang mga bagay ‘step by step’, huwag magkumpara, magdasal at magpapakita ng pagmamahal sa ibang ina.

credit: instagram/coleen

Nariyan din ang pagsali sa mga ‘mom support groups’ at tamang pangangalaga sa sarili. Dagdag pa ng aktres na payag umano siyang pagdaanan ang mga ito para sa kanyang pinakamamahal na anak. Truly a mother’s love!

Leave a Reply