Top 10 Ng ‘Most Expensive’ Weddings Ng Mga Kilalang Personalidad Sa Pilipinas, Inilabas Na

Isa sa mga pinapangarap ng nakakarami ang mabigyan nang magandang kasal ang kanilang magiging pamilya o pamilya. Narito ang sampung (10) pinaka-bonggang kasal sa history ng Pilipinas.

10. Ferdinand Emmanuel Marcos at Imelda Romualdez Wedding

Ang former president Ferdinand Marcos ay isa sa mga nagkaroon ng ambag sa history ng Pilipinas para sa usaping pulitika. Ayon sa source, umabot sa dalawang milyon at tatlong daang libong piso (2,300,000) ang estimated na nagastos nila sa kasal noong May 1, 1954.

Credit: Facebook / Pinoy History

9. Gabriel Concepcion at Sharon Cuneta Wedding

Si Mr. Gabby Concepcion at Mrs. Sharon Cuneta ay dalawang kilalang aktor at aktres sa Pilipinas lalo na sa larangan ng love story. Umabot sa pitong milyon (7,000,000) ang estimated price na nagastos nila sa kanilang kasal noong September 23, 1984. Ngunit, noong 1993, kinagulat ng lahat ang paghihiwalay ng dalawang dating magkasintahan.

Credit: Facebook / Pinoy History

8. Erwan Heussaff at Anne Curtis Wedding

Isa sa namumukadkad na aktres at host sa Pilipinas si Anne Curtis na siyang nasubaybayan ng madla sa kaniyang love story. Si Erwan Heusaff, isang entrepreneur at Youtuber na long-time boyfriend niya noon (8 years) at asawa na ngayon. Kinasal sila noong November 12, 2017 at umabot sa seventeen million (17,000,000) pesos ang kanilang enggradeng kasal.

Credit: Facebook / Pinoy History

7. Potenciano Larrazabal III at Donna Yrastorza Wedding

Kilala bilang Donna Cruz, isang aktres at singer sa Philippine Showbiz noong 90s. Isa sa kilalang kanta niya ay ang Kapag Tumibok ang Puso. Si ‘Yong’ Larrazabal naman ay isang ophthalmologist at surgeon. Base sa source, twenty-five million (25,000,000) pesos ang tinatalang nagastos sa kanilang kasal noong September 19, 1998.

Credit: Facebook / Pinoy History

6. Ariel Muhlach at Charlene Mae Bonnin Wedding

Ariel Muhlach o mas kilala bilang ‘Aga Muhlach’ at Charlene Mae Bonnin o mas kilala bilang ‘Charlene Gonzales’. Parehas silang nasa showbiz industry. Umabot sa twenty-seven million (27,000,000) pesos ang umanoy nagastos sa kanilang kasal na ginanap sa St. Joseph the Worker Church sa Baguio City noong May 28, 2001.

Credit: Facebook / Pinoy History

5. Yilmaz Bektas at Sharmaine Ruffa Gutierrez Wedding

Hindi lang isang beses kinasal sila Ruffa at Yilmaz kundi dalawang beses. Ang unang kasal ay naganap sa Pilipinas na nasundan ng pangalawang kasal matapos ang dalawang (2) buwan sa Istanbul, largest city sa Turkey. Inabot umano sa twenty-eight million (28,000,000) pesos ang nagastos sa kasalan noong May 25, 2003.

Credit: Facebook / Pinoy History

4. Marvic Valentin Sotto at Marie Pauleen Luna Wedding

Ginanap sa St. James The Great Parish Church na magtatagpuan sa Alabang ang kasal nila Vico Sotto aka ‘Bossing’ at Pauleen Luna noong January 30, 2016 at umabot sa eighty-four million five hundred thousand (84,500,000) ang nagastos sa kasalan.

Credit: Facebook / Pinoy History

3. Jules Ledesma at Assunta de Rossi Wedding

Seven hundred katao ang inasahang dadalo sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel. Umabot sa ninety-eight million (98,000,000) pesos ang estimated na nagastos sa kanilang church wedding noong March 14, 2004.

Credit: Facebook / Pinoy History

2. Jose Sixto Raphael Dantes at Marian Garcia Wedding

Mula love team ay nauwi sa kasalan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December 30, 2014. Ginanap ang kasal nila sa Immaculate Concepcion Cathedral in Cubao, Quezon City at Mall of Asia Arena bilang reception sa kasal nila. Tinatayang tumatagingting na one hundred three million (103,000,000) pesos ang nagastos sa kanilang kasal.

Credit: Facebook / Pinoy History

1. Hayden Kho Jr. at Maria Victoria Belo Wedding

Ang pinakamagarbong kasal sa lahat ay naganap sa American Church in Paris hanggang sa luxurious reception sa Palais Garnier. Kilala si Doktora Vicky Belo sa pinaka-successful sa larangan ng cosmetic dermatology industry. Inabot sa five hundred two million (502,000,000) pesos ang nagastos sa enggradeng kasal na ito.

Credit: Facebook / Pinoy History

Leave a Reply