Mag-Asawang Factory Worker, Nag-Ipon at Nakapagpundar ng Malaking Bahay

Sa pag-abot sa ating mga inaasam-asam na pangarap ay kinakailangan ang matibay na determinasyon upang maisagawa ito. Sinasamahan din dapat ito ng pagsusumikap at pagtitiyaga. Sa laban ng pangarap, bawal ang sumuko dahil ito ay hindi maaabot kung susuko lang tayo basta-basta. Ang pagkamit natin sa ating mga pangarap ay hindi laging madali, lahat ay dadaan sa bawat yugto ng pagsasakripisyo. Dahil kung ang sakripisyo namang ito ang magdadala sayo sa tagumpay, walang masamang sumubok.

Kagaya na lamang ng ibinahaging kwento ng pag-abot sa pangarap ng mag-asawang sina Ricky Jay Javate at Sharmaine Mamaril Javate. Ibinahagi nila ang kanilang naging journey upang matupad nila ang kanilang pangarap na bahay para sa kanilang pamilya. Ito raw ang tunay na “Relationship Goals.”

Source: Ricky Jay Javate via Facebook

Ang mag-asawa ay parehong naging factory worker sa Taiwan. Pagbabahagi nila ay nag-umpisa rin daw sila sa pagiging jobless at walang savings. Pero dahil sa kanilang naging teamwork at diskarte sa buhay nabigyan ng kulay ang drawing lang nilang pangarap noon.

Source: Ricky Jay Javate via Facebook

Sa 3 taon nilang pagtatrabaho sa Taiwan, natupad din sa wakas ang kanilang pinangarap. Ibinahagi ni Ricky sa kanyang facebook account, ang naging paggawa ng kanilang bahay mula sa naging plano nito hanggang sa naging kongkreto ito. Ayon kay Ricky, gusto niya lang ibahagi kung paano nila nagawa ang kanilang munting pangarap. Kaya naman nagbahagi si Ricky ng mga tips at advices kung paano nila nakamit ito lalo na sa mga bagong OFW pa lamang. Narito ang kanilang mga tips at advices:

Source: Ricky Jay Javate via Facebook


Tip #1 – Know Your Goals
Before ka pumirma ng kontrata papuntang ibang bansa dapat may reason ka. Dapat may kapalit ang mga taon na mawalay ka sa piling ng yung mahal na pamilya.

Source: Ricky Jay Javate via Facebook

Tip #2 – Planning and Budgeting
Dito sa #2 papasok yung computations. Sa unang buwan ng sahod mo, malalaman mo na agad ilan malinis mo every month, kaltas mo expenses and padala. Yung tira savings a month times mo sa month ng kontrata mo. Dapat di lalagpas sa maximum ng kaya mong kitain ang goal mo. Pangarapin lang natin yung kaya ng income. Kasi kung hindi masasaktan tayo sa “Expectation vs. Reality.” Mangarap ng simple pero magsumikap ng malaki. You need to have a target every month.

Source: Ricky Jay Javate via Facebook

Tip #3 – Be Consistent
From first to last month ng kontrata mo dapat di ka papalya sa monthly target. Kung kaya magtiis, magtiis. Stay away sa mga gala, foodtrip at gadgets. Number one tip “Magtipid”.

Source: Ricky Jay Javate via Facebook

Tip #4 – No Excuses
Number 1 reason kung bakit di natutupad ang mga gusto natin dahil sa mga excuses. Excuses are not allowed pag may pangarap ka. Sabi nga nila, “Don’t stop when you’re tired, stop when you’re done.”

Source: Ricky Jay Javate via Facebook

Tip #5
Last but not the least wag makakalimot sa taas. Ano man ang nararating natin sa buhay dahil yun kay Ama. At kung anuman ang bigat na iyong pinagdaraaanan ngaun wag susuko. Sana po nakatulong sa inyo mga kababayan ang aming mga tips. God bless us all.

Source: Ricky Jay Javate via Facebook

Atin namang pulsuhan ang mga naging komento ng netizens patungkol sa naipundar nilang bahay:

“Sana lahat ganyan may pangarap at priority para sa pamilya may pagpapahalaga sa pinaghihirapan. Nag-aabroad para sa pamilya, nagtitiis ng hirap at lungkot para sa mabubuong pamilya.”

“Congrats sa mga kapwa ofw na nakapagpundar ng sariling bahay. Sa mga baguhang ofw mag-ipon kayo at iwasan nyo bumili ng mamahaling kagamitan habang nagiipon.”

“Saludo ako sa mag asawa na nagkakaisa para lang sa ikagaganda ng kinabukasan at ikauunlad ng pamilya na may peace of mind at may totoong pananalig sa Diyos.”

“Sipag, tiyaga at dasal. Nasa mag-asawa yan, na-achieve nila ang pangarap nila. Congrats and be strong together. God bless.”

Leave a Reply