OFW Mula Riyadh, Walang Nadatnang Pamilya at Bahay Pag-uwi ng Pinas

Mahirap mawalay sa mahal sa buhay. Ngunit sa hirap ng buhay ngayon hindi na maiiwasang mawalay muna sa pamilya. Sakripisyo at tatag ng kalooban ang tanging kailangan at baon sa pangingibang-bayan para maibigay ang magandang buhay na inaasam-asam para sa pamilya. Tulad na lamang ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na hindi biro ang mga kinakaharap sa buhay.

Lahat ng pagod ng isang OFW ay maiibsan makita lamang na masaya at may magandang buhay ang pamilyang iniwan sa Pilipinas. Gayundin kapag naibibigay ang lahat ng mga pangangailangan. Kaya naman napakasakit kung lahat ng sakripisyon ng mga OFW ay hindi natutumbasan. Mas masakit pa kung nawala na parang bula ang mga naipundar mula sa kanyang paghihirap at pagod sa pagtratrabaho.

Source: Mae Regala via Twitter

Tulad ng nangyari sa isang OFW mula sa Riyadh na si Engineer Romeo Ordaz. Naghanap-buhay siya sa ibang bansa upang may maibigay sa kanyang pamilya ang magandang buhay. Sa kanyang pag-uwi ninais niyang sorpresahin ang kanyang pamilya, subalit tila siya ang nasorpresa sa mga nangyari. Mula noon ay hindi na mahanap ang pamilya ni Ordaz sa kanilang tahanan. Wala rin daw siyang alam kung nasaan na ang mga ito ngayon at kung anong dahilan ng kanilang pag-alis.

Isang post ng isang netizen naman ang nagbahagi ng kuwento ng OFW na si Ordaz sa kanyang Twitter account. Nakilala ang netizen na si Mae Regala, nakita raw niya at ng kanyang ina si Ordaz sa SM Southmall na mukhang malungkot at may dinaramdam. Sa kanilang pakikipag-usap kay Ordaz ay napag-alaman ng netizen na umuwi ng Pilipinas ang OFW mula Riyadh noong pang 2011. Noon din ay hindi na kailanman nakita nito ang kanyang pamilya. Wala na rin daw ang kanilang bahay sa kanilang lugar.

Source: Mae Regala via Twitter

Hindi raw sigurado ni Ordaz kung buhay pa nga ba ang kanyang mga magulang na sina Arturo at Conchita Ordaz. Wala siyang asawa at anak, ngunit mayroon naman daw siyang ilang kamag-anak. Mayroong ding mga taong tumangay sa kanyang pera.

Nakalulungkot ang sinapit nitong OFW at marami sa mga netizen ang may kanya-kanyang opinyon patungkol sa sinapit ni Tatay.

“Kawawa naman nagpakahirap yung tatay para sa kanila tapos ganun gawin nila. Alam ko at ramdam ko ang hirap ng nasa ibang bansa sobrang hirap pero kakayanin alang-alang sa pamilya na gustong bigyan ng magandang buhay. Dapat pagmamahal man lang nilaanan nila kawawa. May paraan si Lord para sa kanya at mapapabuti pa din yan siya kasi mabuti namang tao si tatay.”

“Mayroong malalim na dahilan bakit nangyari sa buhay niya yan. Wag muna tayo manghusga from both sides.”

Source: Mae Regala via Twitter

“Ito ang masakit na katotohanan karamihan sa mga OFW lahat ng pagod natin pinapadala natin sa pamilya natin na hindi man lang tayo magtabi ng para sa sarili natin, lahat ng sahod natin pinapadala natin sa mga kamag-anak natin hanggang sa tumanda na tayo sa abroad na walang ipon, lesson ‘to sa mga tulad kung OFW, magtabi po tayo kahit konti lang para sa healthcare natin para pag may karamdaman man tayo hindi tayo kawawa, mag aral po tayo ng financial literacy para alam natin kung saan natin ilagay ang perang pinagpaguran natin, para pagdating ng araw na di natin kaya magtrabaho or kung may karamdaman man tayo may madukot na tayo at may magamit na tayo.”

“Huwag po muna tayo manghusga kasi di natin alam ang tunay na dahilan kung bakit pagbalik niya wala na yung pamilya niya, di po natin alam malay natin baka naman po nung nasa malayo siya nakalimutan din niya mga mahal niya sa buhay lalo na ang kanyang mga magulang kasi diba sabi wala siyang anak at asawa, imposible naman na pati bahay nila wala na pag-uwi niya kung maayos naman ang kanilang relasyon bilang isang anak at magulang dapat alam niya ang nangyayari sa iniwan niyang pamilya dito sa Pinas, meron po kasi nag-aabroad na nakakalimutan ang iniwan niyang pamilya.”

“Lesson dito, magtira sa sarili, wag bigay ng buo ang sweldo sa pamilya, kawawa ka in the end.”

Leave a Reply