Mag-Asawang Magsasaka, Napagtapos ang Walong Anak sa Kolehiyo

Isang karangalan na ang makapagpatapos ng isang anak, ngunit isang biyaya naman ang makapagpatapos ng maraming anak. Tunay nga na kapag may itinanim, tiyak na may aanihin.

Maituturing na #familygoals ang makapagpatapos ng anak, hindi lang isa, hindi rin dalawa, kundi walong anak—at pinatunayan iyan ng mag-asawang magsasaka ng Cebu. Sa pagsusumikap at pagtitiyaga nilang dalawa ay napagtapos ng mag-asawa ang kanilang walong anak sa kolehiyo.

Source: Facebook / Jovy Cataraja-Albite

Tunay ngang walang kapantay ang sakripisyo ng magulang sa kanilang mga anak para lang maibigay ang kanilang pangangailangan. Ito ang kwento nina Tatay Diosdado at Nanay Libelita Cataraja na taga San Remigio, Cebu kung saan naigapang at napagtapos nila ng kolehiyo ang kanilang walong anak.

Hindi biro ang magpaaral ng maraming anak, lalo pa’t mahal ang tuition fee, gayundin ang madaming gastusin sa paaralan. Kaya naman malaki ang pasasalamat ng kanilang panganay na anak na si Jovy Cataraja-Albite dahil sa kabila ng hirap ng buhay ay itinaguyod sila ng kanilang mga magulang.

Source: Facebook / Jovy Cataraja-Albite

“Thank you for believing in us and for not giving up on our dreams. I saw how hard life has been for us specially during my college days,” saad ni Jovy.

Source: Facebook / Jovy Cataraja-Albite

Ikwenento ni Jovy kung gaano siya nagpapasalamat sa kanilang magulang dahil hindi sila pinabayaan at kahit hikahos sila sa buhay ay nagsisikap pa rin ang mga ito. Nagpasalamat rin siya sa kanilang magulang sa pagbibigay sa kanya ng lakas ng loob upang harapin lahat ang hamon sa kanilang buhay.

Source: Facebook / Jovy Cataraja-Albite

“There were times when I wanted to give up but I know what I want in life and that I wanted to help my siblings too. Being the eldest of the family is not easy and standing as the second mom of my siblings is even the hardest but I tried. Thank you for pushing me those times when I wanted to give up,” sabi ni Jovy. 

Source: Facebook / Jovy Cataraja-Albite

Kahit na umabot sila sa punto na halos wala silang makain sa pang-araw-araw ay hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang kanyang mga magulang. Saad pa ni Jovy, malaki rin ang kanyang pasasalamat sa Poong Maykapal dahil ginabayan at hindi sila pinabayaan.

“Pray, work, believe and it will be given unto you.”

Source: Facebook / Jovy Cataraja-Albite

Nagpalasamat rin siya sa lahat ng tumulong sa kanila lalong lalo na noong sa panahong hirap na hirap sila. Aniya nasusuklian na rin nila ang hirap at pagsisikap ng kanilang mga magulang.

“Thanks to everyone who were there to support us during the hardest times of our life. We are blessed beyond words. Thank you is not enough for our family, relatives and friends who never get tired of helping us. It’s payback time now (dears parents),” saad niya.

Source: Facebook / Jovy Cataraja-Albite

Hinikayat rin ni Jovy ang lahat na huwag bumitaw sa kanilang mga pangarap at magsilbi sanang inspirasyon ang kanilang kwento. May pagmamalaki rin niyang sinabi na magsasaka ang kanilang magulang.

“May our story be an inspiration to others for not giving up on their dreams…PROFESSIONALS nami tanan walo mi kabook ug proud mi nga FARMERS among parents!”

Source: Facebook / Jovy Cataraja-Albite

Proud na proud ang kanilang mga anak sa kanilang magulang dahil kahit hikahos sila sa buhay ay itinaguyod at hindi sila sinukuan ng kanilang magulang para lang makapagtapos sila lahat ng kolehiyo. Congrats po! Mabuhay po kayo Tatay Diosdado at Nanay Libelita.

Leave a Reply