Jake Ejercito, Saludo Sa Pagpapalaki Ni Andi Sa Kanilang Anak Na Si Ellie

Dumaan man sa malaking kontrobersiya ang pagbubuntis ng aktres na si Andi Eigenmann noon, naging maayos din sa ngayon ang kasalukuyang sitwasyon ng aktres at ama ng unang anak nito. Kasama ni Andi ang kanyang anak na si Ellie at ang pamilya nito sa Siargao kung saan masayang naninirahan doon. Si Ellie ay ang panganay na anak ni Andi Eigenmann sa kapwa artista at anak ng dating pangulo Joseph Ejercito Estrada na si Jake Ejercito.

Credit: Instagram / unoemilio

Maraming netizens ang humanga at nagsabing “good dad” ang actor/host na si Jake sa anak nila ni Andi. Marami din ang nakakakita sa magandang samahan ng mag-ama gayundin sa ex nitong si Andi. Kamakailan nga ay trending ang videos ng mag-ama kung saan makikitang masayang nag bo-bonding ang dalawa sa Siargao. Pag-amin ni Jake, first time niyang pumunta sa Siargao upang bisitahin si Ellie dahil miss na miss na niya ito simula ng manirahan rito kasama ng inang si Andi.

Credit: Instagram / unoemilio

Sa kabila ng magandang ‘feedback’ ng netizens sa kanyang pagiging ama kay Ellie, hindi nito kinalimutang pasalamatan ang mga taong patuloy na tumutulong sa kanya upang gampanan ito. Ani ni Jake, hindi niya magagawa ito kung wala ang tulong at suporta ng magulang, kapatid, kaibigan at maging mga kasambahay. Pinuri din ng actor si Andi sa pagiging “great co-parent”.

Credit: Instagram / unoemilio

Sweet na sweet din at proud daddy ang caption sa post ni Jake sa kanyang Instagram post kasama ng kanyang anak. Caption ng naturang post: “You’ll see the most stereotypical guy bravely navigate the world of unicorns and rainbows all just to win his daughter’s heart.” Pinusuan din ng mga netizens ang post ni Jake na “Found me an angel for a tour guide” ng pumunta sya sa Siargao. Dagdag pa ng actor “bless” at “wonderful journey” umano ang pagiging tatay nito kay Ellie.

Credit: Instagram / unoemilio

Isa rin sa nakatulong sa magandang ‘co-parenting’ nila ng aktres ay ang pagkakaroon ng magandang komunikasyon. Isinasaalang-alang din nila ang kagustuhan ni Ellie bago magdesisyon at sinabing prayoridad nila ito higit sa lahat. Aminado rin si Jake na maraming bagay siyang natutunan sa pagiging magulang niya. Kinailangan umano niyang isipin uli ang kanyang prayoridad at balansehin ang pagiging ama kay Ellie.

Credit: Instagram / unoemilio

Bukod sa pagiging good dad kay Ellie, isa si Jake sa host ng show na Sunday Noontime Live na mapapanood tuwing linggo sa Kapatid channel TV5. Dahil sa ipinakikita ni Jake, isa siya sa hinahangaang celebrity dad sa ngayon.

Leave a Reply