Panganay ni Kris na si Josh, Tuluyan Nang Humiwalay sa Pamilya

Matapos ang ilang buwang pananatili sa Tarlac ni Joshua Aquino, napagdesisyunan nitong tuluyan nang humiwalay ng tirahan sa kanyang ina na si Kris Aquino at kapatid na si Bimbi.

Source: Instagram / krisaquino

Sa nalalapit na kaarawan ni Joshua, June 4, ipinahayag ni Kris Aquino sa kanyang Facebook at Instagram post ang madamdaming pagpapaalam nila sa kaniyang panganay na anak. Aniya sa kaniyang post: “namili na si Kuya Josh, gusto na niya talagang tumira sa Alto”—ang kanilang family compound sa Tarlac na tinatawag niyang ‘Lola’s house’.

Source: Instagram / krisaquino

Naging madamdamin ang caption ni Kris Aquino sa kanyang post. Sinabi niya rito na: “We are not a perfect family, nagka-mahabang tampuhan yung 2 boys BUT nakuha talaga sa dasal, pasensya at pagmamahal—finally kahapon naramdaman kong nabalik na yung dating higpit ng yakapan at kulitan/lambingan nung dalawa.” Sinaad niya na gaya ng ibang pamilya, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng alitan pero hindi pa rin mawawala ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Napag-alaman na bago ang desisyon ito, ginusto munang tumira ni Joshua sa ibang bahay.

May be an image of one or more people, people standing and outdoors
Source: Instagram / krisaquino

Nasundan pa ang pahayag ng: “I hope I can tell you more because you deserve to know why I have so much more to learn and do to be worthy not only of being the daughter of my parents BUT to earn the privilege of being “bunso”…of the most humble, trustworthy, capable, dignified, and morally upright man I am so blessed to have as my brother,” para sa mga taong nanaisin siyang kwestyunin. Kalaunan, nagresulta sa pag-ani ng suporta galing sa mga netizens base sa mga comments nila sa post.

Kris Aquino on son Josh in Tarlac: 'Ayaw na pong bumalik dito' – Manila  Bulletin
Source: Instagram / krisaquino

“I salute you Ms. Kris for being so real and so brave in sharing your life to us your followers. You are such an inspiration to many.” Isa sa mga komento mula kay Marithel sa Facebook post.

READ: Kris Aquino sends heartfelt birthday greeting to Kuya Josh
Source: Instagram / krisaquino

Bilang parte naman ng celebration ng kaarawan ng anak, naghanda umano sila ng 800 grocery bags na ibibigay sa gobernador na makakarating sa napupusuang mga pamilya o benepisyaryo ni Josh sa Tarlac. Paliwanag nito, wala itong kinalaman sa politika at nilinaw na hindi pa siya interesado sa pulitika. Kaugnay ng kanyang naunang pahayag, ang dahilan niya na gusto lamang niya ibahagi ang kwentong ito bilang isang ina ng kaniyang pamilya at walang intensyon sa pulitika. Pulidong respeto at pagmamahalan ng kanilang pamilya ang nais niyang ipakita.

Kris Aquino Reveals How Her Medical Condition Affected Josh, Bimby
Source: Instagram / krisaquino

Para sa kanya, isa itong pagsubok sa kanilang pamilya at karapatan niyang protektahan ang kaniyang pamilya lalo na ang kaniyang mga anak sa mga trolls. Kaya ganun na lamang ang pag-uulit nya sa pagbanggit sa usaping pulitika o pamilyang nasangkot sa pulitika (ang ama, ina at kuya na dating senador at presidente ng Pilipinas).

Leave a Reply