Lolang Umorder na Bente Pesos Lamang ang Dala, Binusog ng Jollibee Crew

Nag-viral sa social media ang larawan ng pagtulong ng ilang empleyado ng fast food chain sa lolang kulang ang bayad sa pagkain.

Isang netizen na nagngangalang Marold Aquino Anido ang naantig sa kanyang nasaksihang eksena sa loob ng isang kilalang fast food. Nakita niya ang kabutihang-loob na ipinamalas ng mga crew sa isang lola.

Source: Jollibee

Pagsasalaysay ni Marold, galing ng palengke ang lola nung pumasok at naupo sa loob ng Jollibee Calamba Crossing na tila pagod na pagod. Nagpahinga lang ng saglit si lola at lumapit na ito sa counter. Habang hawak ang 20 pesos na tila umo-order ay agad naman siyang kinausap ng mga crew ng Jollibee.

Agad namang nakaramdam ng kaba si Marold na baka hindi mabigyan ng pagkain ang kaawa-awang matanda. Laking tuwa na lamang niya nung nilapitan ito ng crew na may dalang burger steak, rice, iced tea at tubig. Nang mabigyan na ng pagkain, makikita ang tuwa sa mukha ng lola at masaya itong kumakain.

Source: Marold Aquino Anido via Facebook

“Hindi ko mapigilang hindi sila kuhanan ng litrato dahil sobrang natuwa ako sa pinakita nilang action. Humihingi po ako ng pasensya sa pagkuha ng pictures niyo mga ate at kuya without your permission pero gusto ko lang talaga kayo i-share dahil super bait niyo po,” pahayag ni Marold.

Pagkatapos kumain ni Lola ay nakitang inihatid pa ito ng crew hanggang makatawid sa kabilang daan. Mabilis na nagviral ang nasabing Facebook post at marami ang humanga sa mga mababait na crew ng Jollibee.

Kuwento ng manager ng kainan sa Calamba, Laguna, bente pesos lang ang pera ng 85-anyos na si Angelita Reyes kaya siya na lang ang nagbayad sa order nito. Isa sa mga tumulong ay working student pa. Todo pasasalamat si Lola Lits sa mga nagmagandang-loob sa kaniya.

Source: Marold Aquino Anido via Facebook

Samu’t sari din ang naging komento ng mga netizen sa nasabing post:

“Ganito dapat yung tume-trending at pinapa-trending, di yung mga walang kwentang awayang pamilya, break up ng 3rd party at pagko-commute ng pulitiko. God bless sa mga tumulong kay lola, may good karma yan.”

“Whoever helped the old lady Angelita Reyes, May the Lord Jesus Christ bless you more each day of your life a little help does goes a long way for those people struggling to make ends meet. Lola, may the Lord give you more strength and help you with your daily needs. Take care and stay safe.”

“Makabagbag damdaming eksena, after all senior na si lola she deserve everything in life, kahit ano pa man din iyan, someday she too will say goodbye in this life, but while she is still here good riddance and good vibes ang siempre ang dapat ihandog sa mga katulad nila. Good gesture from the crew of Jollibee for the food they offered at bayad. Kung lahat tayo ganito ang ginagawa, sabi nga sa kanta ‘what a wonderful world’ this could be.”

Source: Jolibee

“Ok lang ipost para tularan ng marami na walang inisip kundi sarili nila. Alam nyo ba na kahanga-hanga ang mga ganyang ugali. Di gaya ng iba na sa halip tumulong ipagtatabuyan pa. Di naman porke ipinost nagpapasikat na. Pwede rin naman na gusto lang ipaalala na kahit saan at kahit sino pwedeng magmagandang-loob o tumulong sa kapwa diba.”

Tunay ngang “Beeda ang saya” sa Jollibee. Nakakatuwa at nakakataba ng puso ang naging experience ni Lola Angelita. ‘Wag sana tayo magsawang tumulong sa mga nangangailangan.

Leave a Reply