Dalagang Kahawig ni Marian Rivera, Agaw-Pansin Ngayon sa Social Media

Isang dalaga ngayon ang agaw pansin sa social media hindi lang dahil sa angkin niyang kagandahan kundi dahil sa pagkakahawig nito sa Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera.

Source: Instagram / leadumortier

Base sa kanyang Instagram at Tiktok accounts, ang pangalan niya ay Lea Dumortier. Mapapansin sa kanyang mga litrato at videos na kapag tinitigan mo ng mabuti ang kanyang mukha ay talagang may pagkakahawig nga ito sa mukha ni Marian.

Source: Instagram / leadumortier

Halos lahat ng kanyang video ay inuulan ng kumento patungkol sa pagkakahawig nito sa Primetime Queen ng GMA. Madami din nagtatanong kung Filipino ba ito o taga ibang bansa siya pero ang sagot ni Lea ay isa siyang French/Taiwanese.

Source: Instagram / leadumortier

Gumawa din siya ng video na kung saan pinagkumpara niya kung sino ang mas ka look-alike niya. Kabilang sa mga celebrity na ito ay sina Carla Abella, Marian Rivera at Kristine Hermosa pero ayon sa kanyang mga tagahanga ay mas malaki ang pagkakahawig niya si Marian.

Source: Instagram / leadumortier

Kinukumbinsi din siya na pasukin ang mundo ng showbiz pero kailangan niya munang matutong magtagalog kung saka-sakali. Overwhelmed naman daw siya sa mga mensahe ng kanyang mga tagahanga dahil naikumpara ang kanyang ganda sa isa sa mga sikat na artista dito sa Pilipinas.

Source: Instagram / leadumortier

Samu’t sari din ang naging komento ng mga netizens:

“Kahawig nga. Sana pati si Dingdong may kahawig din.”

“Akala ko si Marian nung dalaga pa siya.”

Source: Instagram / leadumortier

“Akala ko nga si Marian Rivera eh na fake ako dun ah. Pero magkahawig nga sila.”

“Kamukha nga sana hindi ugali.”

Source: Instagram / leadumortier

“Mas hawig nya si Lee Young Ae ng Jewel in the Palace.”

“Ang mga mata niya hawig na hawig kay Marian.”

Source: Instagram / leadumortier

“Kamukha lang pinagkakaguluhan n’yo na? Ako nga kahawig ni Dingdong tahimik lang eh.”

“Mas hawig niya ung ex ni Dingdong Dantes na si Antonette.”

Source: Instagram / leadumortier

“True may hawig sia kina Marian at Carla.”

“Kambal ata ni Marian yan.”

Source: Instagram / leadumortier

“Marian na Marian ah ang ganda niya.”

“Wag niyo papakita kay Dingdong yan, hahahaha!”

Source: Instagram / leadumortier

“May resemblance nga!”

Leave a Reply