Lucy Torres-Gomez, 46, Lutang Pa Rin Ang Angking Kagandahan Sa Paglipas Ng Panahon

Kilala si Lucy Torres-Gomez bilang dating aktres at asawa ng aktor na si Richard Gomez. Sa pagdaan ng panahon, marami ang nakapansin ng tila hindi pagtanda ng kaniyang hitsura at nananatili pa ring maganda at fit.

Credit: Instagram / lucytgomez

Noong nakaraan lamang ay maraming nagbigay paghanga at papuri kay Lucy matapos nilang makita ang ‘ageless beauty’ nito. Ang larawan ay nagpakita ng kaniyang walang make-up na mukha na kinainggitan rin ng marami dahil sa angking kagandahan kahit na walang ayos.

Credit: Instagram / lucytgomez

Hindi mapagkakamalang siya ay 46 years old na dahil mistula pa rin siyang dalaga sa kaniyang hitsura. Ang parehong mukha at pangangatawan ay nanatiling batang tingnan.

Para sa mga hindi nakakakilala kay Lucy maaari rin nilang isipin na wala pa itong anak. Maski ang anak nitong dalaga na si Juliana ay lubos ang paghanga sa ‘ageless bauty’ ng kaniyang ina at nag-iwan pa nga ng komento sa larawang “You’re so beautiful.”

Credit: Instagram / lucytgomez

Marami ring mga netizens ang nagkomento na mas maganda daw si Lucy sa personal. Kung humahanga na tayo sa kagandahan niya sa larawan ay mas hahanga tayo kapag nakita siya sa personal at malapitan.

Narito ang ilan sa mga komento mula sa mga netizens na talaga namang humanga sa kagandahan ni Lucy sa kanyang no make-up look.

“Bare faced yet the most beautiful.”

“You are so perfectly beautiful.”

“Young and fresh looking, keep it up.”

“Hindi nakakasawa ang beauty ni Lucy, nakakasilaw pa kamo.”

“Kahit walang make-up mas lalo siyang gumanda.”

“Grabe walang kupas, imagine walang make-up pa yan ha.”

Credit: Instagram / lucytgomez

Kahit ang asawang si Richard Gomez ay grabe rin ang paghanga at papuri sa kagandahan ng asawa. Madalas nga itong mag-post ng larawan ng asawang si Lucy sa instagram at may caption na mga papuri.

“At time I just take random shots of Lucy like what I did last night but when I checked on the photos this morning I said to myself, “OMG, she is so beautiful.”

Bukod sa larawan ng asawang si Lucy, madalas rin mag-post si Richard ng larawan nilang mag-asawa na hindi nawawalan ng mga sweet messages bilang caption.

Credit: Instagram / richardgomezinstagram

“The source of my joy, inspiration and happiness.”

“My beautiful Lucy.”

“My Valentine.”

“20 years into our marriage and I still love this woman even more than ever before.”

Credit: Instagram / richardgomezinstagram

Hindi maitatanggi ang lubos na paghanga ni Richard sa magandang asawa kung kaya’t proud na proud ito sa pagpo-post ng mga larawan nilang dalawa.

Sa kasalukuyan, namumuhay si Lucy kasama ang kaniyang pamilya sa kanyang hometown sa Ormoc City, Leyte. Ang kaniyang asawa ay namumuno bilang Mayor ng Ormoc, habang siya naman ay namumuno bilang Congresswoman.

Credit: Instagram / richardgomezinstagram

Ang buhay politika ng mag-asawa ay hindi naman nakaapekto sa kanilang masayang pagsasama. Sa katunayan, mas lalo silang napalapit sa isat-isa at napatibay ang pagsasama dahil sa pareho nilang interes sa politika at pagtulong sa taong bayan.

Credit: Instagram / lucytgomez

Makikita naman na kahit gaano kaabala sa trabahong politika si Lucy ay hindi nito napabayaan ang relasyon sa pamilya at ang mapanatili ang kaniyang ‘ageless beauty’ na lubos na hinahangaan ng marami sa loob at labas ng social media.

Leave a Reply