Sexy Star Noon, Successful Businesswoman at Movie Producer na Ngayon

“Once an actress, will always be an actress” but Marinella Moran wants more!

Muling nagbabalik si Marinella Moran sa larangan ng showbiz ngunit hindi lang bilang artista kundi isa naring movie producer sa tulong ng kanyang Manager/Discoverer na si Lito De Guzman.

Credit: Facebook Page / Marinella Moran

Sumikat at nakilala si Marinella noon bilang sexy actress at nakasama sa apatnapung (40) pelikula. Galing siya sa mayaman na pamilya sa Bicol na may ari ng mga sugarcane plantation. Nakilala siya sa critically acclaimed movie na “ Paraiso ni Efren” noong 1999 mula sa direksyon ng namayapang si Direk Maryo J. Delos Reyes na tinuturing ding mentor ni Marinella. Labis din ang naging lungkot niya nung nabalitaan niya noon na ito ay pumanaw na. Hindi niya malilimutan ang pelikulang ito dahil dito siya nagkaroon ng nominasyon sa best new actress category ng isang award-giving body.

Credit: Facebook Page / Marinella Moran

Taong 2003 nagpasya si Marinella na talikuran ang mundo ng showbiz upang tapusin ang kanyang pag- aaral. Dalawang dekada na rin halos naninirahan si Marinela sa Singapore kung saan dun na rin siya bumuo ng kanyang pamilya at nakapagpundar narin ng kanyang negosyo—ang MM Marinella Moran Beauty LIfe Style.

What made Marinella decide na balikan ang showbiz industry sa kabila ng kanyang magandang buhay sa Singapore kasama ang kanyang pamilya?

“During lockdown dito sa Singapore, pinanood ko yung dating mga pelikula ko at naisip ko na gusto kong makatulong sa mga kasamahan ko sa industriya na walang work.”

Credit: Facebook Page / Marinella Moran

“Showbusiness will always be a big part of my life. There’s one person who keeps encouraging me to come back. I think I am smart and I am still beautiful. He says showbiz really runs in my blood. Hahaha! So why not try again? I miss the people in Manila who I used to work with,” dagdag pa ni Marinella.

Hinihintay nalang ni Marinella na magbukas ang mga boarders para makauwi na siya sa Pilipinas para maumpisahan na ang kanyang movie production. Ayon sa kanyang Manager/Adviser na si Lito De Guzman ay aarangkada agad si Marinella sa kanyang self-produced movie na “Bratinella” once na dumating na dito ang actress.

Credit: Facebook Page / Marinella Moran

Sa pagpo-produce ng pelikula ni Marinella dito sa Pilipinas ay magbubukas din ito ng pagkakataon para sa ibang artista na mabigyan ng trabaho lalo na at labis naapektuhan ng pandemya ang movie industry dito sa Pilipinas.

Aktibo din si Marinella sa pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng financial assistance through GCash at pagdo-donate ng laptop sa mga nangangailangan na estudyante. Meron din siyang isinasagawang charity works sa Indonesia at Malaysia.

Credit: Facebook Page / Marinella Moran

Habang hinihintay naman ni Marinella ang kanya pag-uwi dito sa PIlipinas, aktibo din siya sa kanyang Youtube Channel. Ginagamit niya nga kanyang youtube channel upang magbigay aliw at inspirayon sa ibang tao lalo na ngayong pandemya. Makikita din sa kanyang vlogs ang kanyang napakagwapong anak na si Alexander. 2 years old palang si Alexander at promising child star din. Marami na nga raw offer na projects para kay Alexander especially sa mga tvc at print ads kaya lalong na-e-excite si Marinella na umuwi na sa Pilipinas.

Credit: Facebook Page / Marinella Moran

Pinasok na rin ni Marinella ang mundo ng musika kung saan malapit narin i-release ang kanyang first solo album sa Spotify, Youtube at Itunes.

Credit: Facebook Page / Marinella Moran

Marinella Moran is a good example to everyone out there na laging pinipili yung passion nila sa buhay. She’s always bubbly and positive in dealing with life. Hindi madaling maging asawa, ina at negosyante lalo na at nasa ibang bansa siya. Sabi nga ni Marinella:

“Positive mindset. You will see the light at the end of the tunnel.”

Leave a Reply