Pag-Amin ng Relasyon nina Rico Blanco, 48, at Maris Racal, 23, Kinakiligan

‘Age is just a number’—Maris Racal and Rico Blanco for the win!

Kung noon ay marami ang nagtatanong kung may namamagitan sa actress na si Maris Racal at singer-composer Rico Blanco matapos mag-post si Maris ng kanyang mensahe sa kanyang instagram account. Ang nasabing larawan at video ay kuha nilang dalawa habang kinakanta ang Brighter Than Sunshine ng Aqualung.

Credit: Instagram / mariesteller

Marami ang kinilig sa post na ito lalo na ang mga kaibigan niyang artista. Overwhelmed naman ang kanilang mga tagahanga at sinusuportahan ang dalawa sa kabila ng malaking age gap. Naging malapit ang dalawa wayback 2019 dahil sa kantang Abot Langit na pareho nilang sinulat at inareglo. Aminado naman si Maris na talagang idol niya ang OPM icon simula pa noon. Naging mentor niya din si Rico sa pagsisimula ng kanyang singing career.

Credit: Instagram / mariesteller

Ilan lamang yan sa mga linya mula sa kantang Abot Langit na para bang pinapatungkol sa kanilang dalawa: “pwede bang wag munang pumikit / sulitin natin ang natitirang gabi / maligo tayo sa sinag ng mga talang nakasilip sa ating bintana”

“Mayroon din ako pinarinig sa kanya na I’m sure na sa taste niya, magugustuhan niya and then sabi niya, ‘yung advice niya sa’kin sa age ko, ‘Huwag ka munang dumiretso doon. Doon ka muna sa sweet, pop, catchy song and then i-maintain mo lang siya until you can do your thing na which is ‘yung artsy kind of songs.’ So yun yung advice niya sa akin,” pahayag ni Maris.

REAL SCORE?

Credit: Instagram / ricoblanco100

Sa wakas, nabigyan na ng liwanag ang sobrang closeness nina Maris at Rico nang umamin si Maris sa ginanap na virtual presscon ng ABS-CBN’s Maalaala Mo Kaya. Doon ay inamin niya na sila na ni Rico at masaya sila bilang couple. “Kami po ni Rico… I think basing po sa post na ginawa ko po, I think it’s very obvious. Right now, we are very excited and busy din. We are preparing such beautiful music together. Kaya abangan nila ‘yon soon,” sabi pa ni Maris.

Credit: Facebook / CinemaBravo

It is indeed a May-December love affair. Maris will be turning 25 years old sa kanyang darating na kaarawan sa Setyembre habang si Rico ay may edad na 48, ngunit hindi hadlang ang 24 years age gap nila upang maging masaya ang kanilang pagsasama. Marami silang pinagkakasunduang bagay lalo na sa musika at malaking factor yun para mafill-in ang age gap nila. “Age is just a number” na siyang famous line ni Maris.

Credit: Instagram / mariesteller

Maraming matutuwa na tagahanga ng dalawa dahil sa pag-amin ni Maris sa kung anung meron sila ni Rico, and for sure mas ma-e-enjoy nila ang kanilang relasyon lalo na ngayon na it’s out in the open. Love has no boundaries at hindi rin nasusukat ang maturity ng tao sa kung ilan taon na siya. Hindi rin ito hadlang upang magbukas ng pintuan para sa mga totoong nagmamahan. Lagi lang tatandaan na sa lahat ng relasyon, anumang age ay kailangan lamang na handang umunawa sa pagkukulang ng bawat isa.

Credit: Instagram / ricoblanco100

Sa panahon ngayon marami ang huhusga sa ganitong love affair, maraming magtataas ng kilay, but at the end of the day—true love wins.

Leave a Reply