Anak Ng Mag-Asawang Carmina At Zoren Na Si Mavy, May Napupusuan Na

Ang anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ay nagpost sa kanyang Instagram account tungkol sa isang babae na nagpapatibok ng puso niya. Marami ang sumusubaybay sa kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi dahil sa isa sila sa matatawag na perfect family sa larangan ng showbiz.

Credit: Instagram / mavylegaspi

Kamakailan lang nang umusbong ang balita tungkol kay Cassy at ang kanyang misteryosong twitter post patungkol sa dating. Ngayon naman ating alamin kung sino nga ba ang nagpapatibok ng puso ng isang Mavy Legaspi.

Credit: Instagram / mavylegaspi

June 16, 2021 nang magpost si Mavy na may caption “her. her smile. her dimples. yup, that’s the post.” Nilalaman nito ang pasulyap na mukha ng isang babae na may dimples. Maraming netizens ang nakapansin, hinihinala nilang siya ay isa ring artista at maging ang ibang mga artista ay napagtuonan ng pansin ang post na ito.

Credit: Instagram / mavylegaspi

Isa na rito si Rayver Cruz na parang tinutukso niya ang binata sa pagiging proud nito sa babae.

Hindi naman makapaniwala ang kaniyang kakambal sa post nito at napaiwan ng komento na nasa larawan:

Credit: Instagram / mavylegaspi

Samantala, nagpakita naman ng kanilang pagkagulat at suporta ang ilang celebrities gaya nina AC Bonifacio, Sam Cruz, Valeen Montenegro at iba pa.

Credit: Instagram / mavylegaspi

Nagkaisa ang mga netizens na ang hinihinalang babae sa larawan ay walang iba kundi si Kyline Alcantara. Marami ang nagpakita ng suporta at pagkasabik na i-reveal ang buong pagkakakilanlan ng babae. Mapapansin din sa unang screenshot na ni-liked ng official Instagram account ni Kyline Alcantara ang post, ngunit hindi nag-iwan ng komento. Nagkaroon din ng usap-usapan dati tungkol sa binata na nabanggit ang paghanga nito kay Kyline at ninanais niyang si Kyline ang gusto niyang makasama sa kauna-kaunahang teleserye na gagawin niya. Kaya ganun na lang ang confidence ng mga netizens na tama ang kanilang hinala.

Credit: Instagram / mavylegaspi

Nasundan pa ang post na ito matapos ang dalawang (2) araw na may caption “by her side” na nagpaingay ulit sa ilang netizens dahil sa pagkakataong ito nag-iwan ng komento si Kyline Alcantara mismo. Aniya “Kamukha mo yung..” isang pabitin na comment kaya dinugtungan ng ilang supporters at taga-ship nila. Sabi ng mga netizens kamukha daw nito yung… “taong mahal nya” at humirit pa kay Kyline na dugtungan ang komento nito.

Credit: Instagram / mavylegaspi

Tila nang-aasar naman ang kaniyang kapatid sa isang pang post ni Mavy na may caption na “they say happiness is having a dimples but to me, happiness is being around with her.” Nag-comment si Cassy ng ‘so.. sino si “her”?’ at sinagot ito ni Mavy na sa pagkakaalala niya, siya pa daw ang kumuha ng pictures nilang dalawa nang magkasama na may kasamang emoji na parang nadulas siya sa sinabi.

Credit: Instagram / mavylegaspi

Marami ang nagsasabi na bagay sila at susuportahan nila ang namumuong relasyon nina Mavy at hinihinilang si Kyline Alcantara na maaring maging panibagong loveteam sa Pilipinas. Gayunpaman, mayroon pang proyekto si Kyline Alcantara na katambal si Darren Espanto sa new music video rin ni Darren Espanto.

Leave a Reply