Witty Community Pantry Patok sa Netizens Dahil sa Hatid Nitong Good Vibes

“And the best tagline goes to…”

Ikinatuwa ng mga netizens ang pagiging witty ng isang community pantry owner sa Silang, Cavite dahil sa kaniyang mga nakakatuwa at nakakaaliw na taglines.

Ibinahagi ng organizer ng ‘Stock Box Community Pantry’ na si Marvin Garcia ang mga katawa-tawang paalala na naka-display sa kanyang pantry table.

“May food ka na, may comic relief pa,” aniya sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Abril 23.

Source: Marvin Garcia / Facebook

Nang tanungin kung ano ang dahilan ng kaniyang mga nilikhang paalala, sinabi niya na hango raw ito sa nag-viral na video ng anim na babae na kinuha ang lahat ng laman ng isang community pantry.

Layon naman ni Marvin Garcia at ang kaniyang samahan na maipabatid sa madla ang pagsunod sa mga katagang “Magbigay ayon sa kakayahan at kumuha lamang ayon sa pangangailangan.”

“We don’t want to offend anyone. So we thought of a fun way to tell them,” paglilinaw ni Marvin Garcia.

Source: Marvin Garcia / Facebook

Basahin naman natin ang mga naging komento ng netizens patungkol sa nag-viral na post:

“Ganito sana. Gentle Reminder sa mga sugapa at garapal na akala mo sila lang ang may pangangailangan sa mundo.”

“Wow creative kung malungkot ka puntahan mo ‘tong pantry siguradong lalabas ang smile mo.”

“Tama lang yan may reminders, yung iba talagang nakakalimot, may iba pa palang kakain din.”

Source: Marvin Garcia / Facebook

“Kaloka pero tamang masaktan ang gahaman. Galing, galing.”

“Tama kasi ‘pag nabasa nila yan, mahihiya na talagang kumuha ng lampas sa isa.”

“Galing kakaiba mga reminders, taba ng utak.”

Source: Marvin Garcia / Facebook

“Kudos to the community pantry, nakaka-chill ang concept.”

“Galing naman… sooo witty good vibes lang.”

“Mapapa-smile ka muna bago dumampot.”

“Dami kong tawa dito sa pantry na ‘to. Totoo naman ng lahat makinabang.”

Source: Marvin Garcia / Facebook

Ginawan din ng sariling bersyon ng mga netizens ang nasabing witty community pantry:

“Isang pakete lang ng kape, baka atakihin ka ng nerbiyos.”

“Para po sa mga nagugutom, hindi po sa mga patay gutom.”

“Kuhanin po lamang yung kailangan pang daily, hindi yung pang birthday party.”

Source: Marvin Garcia / Facebook

“Kumuha ng may kunsensya, wala ka sa fiesta!”

“Tayo po ay nasa pandemya, at wala po sa pyesta. Kumuha lamang ng tama nang hindi mapa-social media.”

“Pwedeng dumakot, pero bawal ang hakot.”

“Bayanihan and sense of humor… can’t get anymore Pinoy than that.”

“Winner talaga! Nothing beats the Filipino sense of humor!”

“Pinoys never misses its sense humor even in these difficult times.”

“That’s life of every Filipino in the midst of hardship we never forget humor.”

Leave a Reply