Pauleen, Inaming Nagpapayat Para Sa Sarili At Hindi Para Sa Atensyon Ni Bossing

Kamakailan lamang ay umalma si Pauleen Luna-Sotto sa komento ng isang netizen at sinabing para sa kanyang sarili ang ginawang “fitness program”.

Credit: Instagram / Pauleen Luna Sotto

“Thanks for the the concern but I’m doing this for myself. I wanna be strong and healthy, so I can live a long life for my family. Not doing this for my husband’s attention or for any guy for that matter.” Ito ang deretso at matapang na sagot ni Pauleen Luna-Sotto matapos mag-komento ang isang netizen sa kanyang Instagram post kung saan niya ipinakita ang kanyang body transformation. Ani ng nasabing netizen, “Sige lang kang magpaganda para sa’yo na lang attention ng mister mo. Pero sana ‘yung pagpapaganda mo para sa mister mo lang”.

Credit: Instagram / Pauleen Luna Sotto

Viral kasi ngayon at maraming netizens ang pumuso sa Instagram post ng Kapuso aktres/host kung saan ibinahagi ni Pauleen ang kanyang ‘fitness journey’. Marami man ang natuwa at pumuri sa aktres, hindi naman ito nakalampas sa online bashers. Pero mariing sinabi ng aktres na si Pauleen na ginagawa niya ito para sa kanyang sarili at hindi sa mister niya o sino mang lalaki. Dagdag pa niya, gusto niya ng malakas at malusog na pangangatawan gayundin ang mahabang buhay para sa kanyang pamilya.

Credit: Instagram / Pauleen Luna Sotto

Makikita sa Instagram post ng aktres na masaya siya kinalabasan ng kanyang pagsisikap na maibalik ang dating katawan. “Back to my pre-baby body (after 3 years?!?).” Nagsimula nga ang aktres ng kanyang workout noong nakaraang Pebrero taong kasalukuyan at sa ngayon ay patuloy sa naturang fitness program. Kinailangan umano niya ng matinding disiplina at pagtitiyaga para makamit ang kanyang “pre-baby body”. Aminado ang aktres na mabagal ang progreso ng kanyang workout pero mas maigi na kaysa sa wala.

Credit: Instagram / Pauleen Luna Sotto

Nagpasalamat si Pauleen sa mga sumusuporta sa kanya lalo na ang mister nitong si Vic Sotto. Kasama na rito ang ilang ina na nag-message sa aktres at pinayuhan na ‘wag siyang magmadali at kaya rin nilang gawin ang katulad ng ginawa ng aktres. Espesyal na pasasalamat din ang ipinaabot ni Pauleen sa mga taong naghihimok sa kanya upang maging “better version” ng kanyang sarili ngayon. Matatandaang Nobyembre ng taong 2017 nang isilang ni Pauleen Luna-Sotto ang anak nitong si Tali at naging ‘busy’ na rin sa kanyang trabaho sa telebisyon. At ngayon nga ay nagkaroon ng pagkakataon ang aktres na magbalik-alindog.

Credit: Instagram / Pauleen Luna Sotto

Hindi naman ito nagpapaapekto sa ilang bashers online. Positibo itong nagpo-post ng litrato at videos ng kanyang workout routine. Marami na nga sa ngayon ang mga mommy na mapa-celebrity man o hindi ang pinipili ang ‘fit at healthy body’. Hindi lamang upang maging kaakit-akit sa paningin ng asawa kundi pagpapakita ng pagmamahal sa sarili at pangangalaga nito. Upang masiguradong maalagaan ang pamilya ng may malakas at aktibong pangangatawan.

Leave a Reply