Pustisong Nakabutas ng Gulong sa Lanao Del Norte, Kinaaliwan sa Social Media

May mga pangyayari talaga sa pang-araw-araw na buhay natin ang hindi inaasahan, minsan malungkot at minsan naman ay masaya. May mga sitwasyon na sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap natin sa buhay ay may mga sitwasyon kung saan matatawa ka nalang at makakalimutan pansamantala ang pagsubok o lungkot na nararamdaman.

Tila kinagat ng isang pustiso ang isang gulong ng kotse sa Barangay Sta. Elena, Iligan City, Lanao Del Norte. “Kaninong pustiso ito?” ang naging tanong ni Leo Padilla Ricarte. Isang pustiso kasi ang siyang bumutas sa gulong ng sasakyan niya.

Source: Leo Padilla Ricarte / Facebook

Nakakatawang isipin na ang pustiso na ito ang nakabutas sa gulong ng sasakyan ni Leo. “Hindi lang kapani-paniwala kasi pustiso. Ang tibay nang pagkakagawa tapos brand new ang tire ko.”

Ayon kay Leo, alas-tres ng hapon, ika-12 ng Abril, napansin niya mula sa side mirror na parang may nakadikit na bagay sa gulong niya, tinignan nya ito. Hindi aakalain na isang pustiso ang nakabutas sa gulong ng kanyang sasakyan, at hindi man lang nadurog ang nasabing pustiso. “Pagbaba ko, dun ko napansin isa palang denture, nakabaon sa tire. Pagtanggal ko, butas yung tire.”

Source: Leo Padilla Ricarte / Facebook

Sinubukang gumawa ng paraan ni Leo upang magamit pa niya ang gulong, ngunit siya ay nabigo at bumili na lamang ng panibagong gulong para sa sasakyan. “Ang kaibahan lang ng interior at tubeless na tire, is pag nabutas ang interior, agad-agad mafa-flat ang tire. Ang tubeless hindi, mga isang oras pa bago ma-flat ang gulong.”

Kuwento ni Leo Ricate, pauwi na siya galing sa lamay nang maramdaman niyang may nakasabit sa gulong ng kaniyang sasakyan. Tumigil siya para silipin ang gulong at doon niya nakita ang nakatusok na pustiso.

Source: Leo Padilla Ricarte / Facebook

Unang beses lamang na ito ay naranasan ni Leo kaya naman naisipan niyang ipost ito sa social media. Sa ngayon ay may higit 54,000 likes at 7,100 shares na ang nasabing post, at umani ng mga nakakatawang mga comments mula sa netizens.

Source: Leo Padilla Ricarte / Facebook

“Na-curious tuloy ako kung saan nagpagawa ng pustiso yung may-ari niyan. Bakit sobrang tibay.”

“Ang tibay ng pustiso, mas matibay pa sa relasyon n’yo.”

“May kaibigan po akong nawawalan ng pustiso baka po yan yung nawawala niyang pustiso patulong naman po na maibalik sa lalong madaling panahon.”

“Ang pustiso made in Japan pero ang gulong alam na, made in China.”

“Mga ganitong balita talaga ang trending, ikakaunlad ‘to ng bansa sigurado.”

“Gives another meaning to the expression… and another one bites the dust!”

“Ilang beses ng dumaan yan sa feed ko pero tuwing makikita ko tawang-tawa pa din ako. Ang galing ng gumawa nyan super tibay at quality ang pagkakagawa, gulong pa ang sumuko.”

“Dapat po nagpagpag muna kayo kung galing kayo ng lamay para di po kayo nasundan ng pustiso.”

“Salute to all Filipinos pang-world class talaga mga gawa natin kaya sa gumawa ng pustiso na yan mabuhay ka hangga’t gusto mo!”

“Agimat yan gawin mong pendant ‘pag nasa pilegro na ang buhay mo. Isubo mo lang tapos isigaw mo ng malakas, kakagatin kita!”

“Sa hirap ng buhay pati gulong ng sasakyan kakainin.”

“Aswang yung may-ari ng pustiso, nginatngat niya yung rebulto ni Bonifacio sa pag-aakalang totoong tao ito kaya lumuwag ang pustiso at nahulog. Sadyang matibay talaga ang pustiso kaysa gulong na yan pero mas matibay ang rebulto ni Andres Bonifacio.”

Leave a Reply