Dalawang Delivery Riders Nagtulungan Para Maiahon ang Pedicab sa Matarik ng Daan

Hindi biro ang hinaharap ng bawat isa sa atin ngayon. Marami ng nangyayari sa ating kapiligan na ating ginagalawan. Hindi lamang pandemya ang kinakaharap ng buong mundo kung hindi ang nagbabadyang digmaan, ang hirap ng buhay ng ating kapwa at ang patuloy na pagbabago ng ating mundong ginagalawan.

Nakakatakot at nakakalungkot mang isipin ngunit parang kada lipas ng mga araw ay parang palala na lamang ng palala ang sitwasyon. Ngunit gaya nga sa mga talatang “matatapos rin ang ulan at sisikat rin ang araw” ay hindi parin naman nawawala ang pagiging positibo at pagkakaroon ng pagasa na lilipas rin ang lahat.

Kilala ang mga Pinoy sa buong mundo bilang isa sa mga matutulungin na lahi. Hindi ba sa atin ay usong uso ang pagtulong sa ating kapwa o mas kilala sa tawag na bayanihan. Kaya hindi na rin nakapagtataka na sa ganitong panahon ay tayo-tayo lamang rin ang magtutulungan.

SOURCE: Noypi Collections

Kagaya na lamang ng dalawang magkaibang kumpanyang delivery rider na ito na hindi nagdalawang-isip na tulungan ang isang padyak o trisikad drayber na umakyat sa isang matarik na daan.

SOURCE: Bilyonaryo PH

Ito ay ang naging post ng Facebook page na “Pinas TODAY”. Ang simpleng pagtulong sa kapwa ng dalawang rider na ito ay umani ng papuri at mangha sa ating kapwa Pinoy. Ang nagbahagi ng videong ito ay galing sa isang netizen na si Alvin Gumabao mula sa Cagayan de Oro City na siyang unang tumulong sa padyak drayber.

SOURCE: Facebook / Alvin Gumabao

Diumano habang nasa kahabaan sila ng Mastersons Avenue ay napansin nila ang isang matandang lalaki na nagmamaneho ng isang padyak or pedicab. Ang nasabing lugar ay matarik kaya naman hindi nakakapagtakang mahirapan ang isang matandang umakyat sa matarik na lugar gamit ang pedicab. Kaya naman ng makita ito ng delivery riders ay hindi na nga sila nagdalawang isip na tulungan ang nasabing pedicab drayber. Nang makasilip ng pagkakataon si Alvin ay dali-dali niyang kinuhaan ng video ang pagtulong ng mga delivery riders kay Tatay.

SOURCE: Facebook / Alvin Gumabao

Hindi pa rin maitatanggi na talagang namumutawi sa ating pagka-Pinoy ang pagiging matulungin. Tunay nga na hindi pa rin talaga nawawala ang pagkakaroon ng “Bayanihan Spirit” pagdating sa mga Pilipino. Bilang isang Pinoy ay hindi pa rin tayo nauubusan ng paraan para tumulong sa mga tao na nakapaligid sa atin.

SOURCE: Grab

Hindi maitatanggi na maaring mahirap ang karamihan sa atin. Hindi rin tayo sagana sa mga materyal gaya ng mga indibidwal sa ibang dako ngunit hindi ito kailan man naging sagabal upang hindi maging matulungin at mabait sa ating kapwa. Maging ang mga OFW (Overseas Filipino Worker) ay buhay na patunay na hindi na maikakaila pa sa ating mga Pilipino ang pagtulong sa ating mga kababayan lalo na sa oras ng pangangailangan.

SOURCE: Food Panda

Ang pagtulong ay hindi nasusukat sa laki o liit ng iyong naitulong. Dahil sa panahon ngayon ang pagtulong sa ating kapwa ay malaking bagay na. Tandaan na ang simpleng pagtulong sa ating kapwa ay hindi nakakasama sa pagiging isang tao.

SOURCE: Bilyonaryo PH

Kung kaya naman mas lalo pang naging inspirasyon ang mga ganitong bagay para sa maraming mga Pilipino lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Leave a Reply