Bawang at Sibuyas na Ulam ng Security Guard, Umani ng Samu’t Saring Komento

Trending sa social media ang larawan ng isang security guard kung saan makikitang bawang at sibuyas lamang ang kanyang ulam sa tanghalian.

May ilan sa atin na mas pinipili na lamang tipirin ang sarili upang may maitulong sa mga mahal sa buhay, mas mabuti nang siya ang mahirapan kaysa makitang nagdurusa ang mga ito.

Source: Bakud Borbon Cebu Facebook Page

Kinakailangan niya umanong tipirin ang kanyang sarili dahil sa kanyang maliit na suweldo na ipinapadala rin niya sa kanyang pamilya. 90 porsyento daw ng kanyang sahod ang inilalaan niya para sa kanyang pamilya at ang natitira ay pinagkakasiya niya para sa kanyang sariling gastusin.

Ang larawan ng sekyu ay ini-upload ng Facebook page na Bakud Borbon, kung saan mababasa ang caption na nakasalin sa Ingles, “Friday Motivation. This is the well of a Security Guard. Because of his great love and willingness to give life to his family, he sends 90% of his salary to them. This proves that nothing can compare the love of a father in his family.”

Source: Bakud Borbon Cebu Facebook Page

Sa kasalukuyan, mayroon ng mahigit 22,000 reacts, 1,600 comments at 19,000 shares ang nasabing post nitong Marso 26 na umani ng kaliwa’t kanang komento mula sa mga netizens:

Source: Bakud Borbon Cebu Facebook Page

“Sa totoo lang saludo ako sa kanya pero sa ginagawa niya pinapatay niya sarili niya at tinutulak lang niya na maghirap sila lalo. At ito ang rason bakit ko nasabi yan. Sa kakatipid mo sa sarili na mabigyan ng magandang ulam at bigas ang pamilya, ginugutom niya ang sarili. ‘Pag siya nagkasakit, mas mababaon sila sa utang at mas maghihirap sila at ‘pag nangyari yun mawawalan siya ng trabaho at mawawala ang sustento sa pamilya niya. Dapat medyo balanse. Mag-iwan kaunti para sarili. Isipin ang bukas ‘wag lang ang ngayon. Kung sinasabi n’yo na makasarili ito, sige ok lang. Sabihin n’yo na kung anong gusto n’yo sabihin.”

“Ang daming nagsasabi pinapabayaan niya sarili niya. Siguro naman po, nagsasakripisyo lang siya at hindi naman siguro araw-araw. May mga panahon talagang magugutom tayo at hindi natin kontrolado yun. Hindi ko masasabing pinapabayaan niya ang sarili niya pero sa tingin ko may dahilan talaga kung bakit siya nagtitiis. Hindi natin alam ang buong kwento basta ako saludo ako sa kanya dahil sa larawang ito. Nararamdaman kong isa siya sa mga mabubuting tatay kaya sana kung sino man po siya, marami pa sanang biyaya ang dumating at sana ay lagi siyang ligtas at malayo sa sakit.”

“Ok naman yang ulam nya sibuyas at luya? Aba healthy yan walang cholesterol may health benefits pa yan, lalakas ang katawan ni guard nyan. Ituloy mo lang ganyang lifestlye manong guard, hahaba ang buhay mo pero kayong laging karne hindi kayo tatanda.”

“But this is healthy and natural antibiotics. Still I salute you, Sir! God bless you always.”

“Lord, ilayo n’yo po siya sa sakit at bigyan ng malusog na pangangatawan. Ingat ka lagi, Kuya. God bless. Saludo sa mga ganitong klaseng tatay na handang magsakripisyo para sa pamilya.”

“Lord please guide gid siya kag iya pamilya. Tol saludong saludo ako sa’yo. You got my 100% respect.”

“Salute to you Sir, isa kang magandang ehemplo para sa iba. Sana magsilbi kang inspirasyon sa iba at pagbutihin ang kung anong meron sila dahil 100% respect Sir, proud servant og Phil.”

“Dapat bigyan siya ng staff meal ng kanyang employer kapag nakita ganito yung sitwasyon ng kanilang empleyado.”

“Snappy salute sa’yo, brother!”

Leave a Reply