Sambayanan, Inaantabayanan ang Pagbabalik ng Nag-iisang John Lloyd Cruz

Tulad ng ibang umalis, siya ay muling nagbabalik. ‘Pag sinabing magaling na aktor, hindi maipagkakaila na isa si John Lloyd Cruz d’yan.

Credit: Facebook / John Lloyd Cruz

Nakilala si JLC bilang isa sa mga de-kalibreng aktor ng ABS-CBN. ‘Di matatawaran ang kanyang galing sa pag-arte, kaya kahit sa mga International Award Giving Bodies ay nakakakuha siya ng nomination. Siya ang kauna-unahang Filipino and South Asian actor na nanalo sa Star Asia Award at the 15th New York Asian Film Festival (NYAFF) noong 2015. Hindi rin natin malilimutan ang pangalan na “Popoy” dahil sa bawat hugot lines ng mga brokenhearted noong panahon ng tambalan nila ni Bea Alonzo.

Credit: Google

After almost 5 years na pag-alis sa rurok ng kasikatan, muling nagbabalik sa mundo ng showbiz ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz. Matatandaan na nagpasya ang aktor na iwanan na muna ang showbiz noong 2017 upang mamuhay ng tahimik. Ninais niyang magpahinga dahil sa kanyang non-stop na trabaho. Dahil sa kanyang sudden leave sa buhay showbiz, mas lalong tumatag ang kanyang pananampalataya sa Diyos.

Credit: Crown Artist Management

Yun yata ‘yung essence nu’n. Parang there’s no other way kundi mas mapalapit ka pa. Lagi na lang akong nagpapasalamat sa kung anong meron ka dahil nakikita mo na. Parang luminaw ba, ‘di ba? Wala na ‘yung mga agam-agam mo o paghahangad sa kung ano ‘yung wala ka,” ayon sa kay John Lloyd Cruz.

Naging mailap si JLC sa publiko mula noong siya ay nagpasyang magpahinga sa kanyang career. Ngunit kailan lamang ay sinopresa niya ang publiko sa kanyang pagbabalik sa tulong ng Crown Management ang Talent Management firm ng kanyang kaibigan at katrabaho na si Maja Salvador.

Credit: Instagram / johnlloydcruz83

Lalong natuwa ang mga tagahanga ni JLC dahil after niyang pumirma ng contract sa Crown Management ay sumunod naman ang paggawa niya ng sarili niyang Facebook Page at Instagram. Umuulan ng pagbati ng mga followers sa naturang mga social media accounts ng aktor.

Kung makikita ang mga instagram posts ni JLC ay ramdam na ramdam ang saya ng actor. Nakapost din sa kanyang instagram ang mga bago niyang pictorial under Crown Management na kung saan ay masasabing punong-puno ng positive vibes ni JLC. As of this moment ay pataas ng pataas ang followers ng social media accounts ni JLC. Patunay lamang na sobrang namimiss siya ng kanyang mga tagahanga.

Credit: Crown Artist Management

Anu nga ba ang aabangan natin sa pagbabalik ni Popoy?

Samantala, bukod sa appearance niya sa Wowowin this coming June para sa 6.6 Shopee Super Mega Fiesta Television sa GMA -7 ay napapabalita din na magkakaroon ng TV Sitcom si JLC sa naturang tv station. Marami pang project na darating for sure kaya alam na ninyo mga JLC/Solid Popoy Fans.

Credit: Instagram / johnlloydcruz83

Bilang ama sa kanyang anak na si Elias Modesto. “Anak ko talaga ‘yung ano ko… ‘yun ang teacher ko. Malaki ang papel nu’n sa kung bakit ako ay nandito pa ngayon,” ayon kay John Lloyd.

Sa ngayon ay masaya si John Lloyd sa kanyang pagbabalik pagkatapos niyang bigyan ang kanyang sarili ng panahon para magkapagpahinga. Ready na ulit siya sa pagpapasaya sa kanyang mga tagahanga. Sa panahon ngayon napakahirap iwan ng mga bagay na nakasanayan lalo na kung dito umikot ang mundo mo sa matagal na panahon. John Lloyd Cruz is so brave and he got his prize, his son Elias Modesto.

Leave a Reply