Simple at Tahimik na Pamumuhay ng Pamilya ni Andi sa Siargao, Hinangaan ng Netizens

Kasikatan—ito ang unang kinagisnan ng aktres na si Andi Eigenmann. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa mga magulang ng aktres? Hindi maikakailang nagmula si Andi sa angkan ng mga kilalang artista sa showbiz.

Ang ama ni Andi ay ng batikang aktor na si Mark Gil at ang kanyang ina naman ay ang beteranang si Jaclyn Jose na kapwa hindi matatawaran ang angking galing sa pag-arte.

Credit: instagram/andieigengirl

Maging si Andi ay naging mahusay na aktres ng kanyang henerasyon. Lalo pa nga nitong natamo ang kasikatan sa pagganap nito bilang kambal sa palabas noon na Agua Bendita. Hindi kaila sa mga tagasubaybay ng aktres na dumaan ito sa isang kontrobersiya kung saan ipinagbuntis nito ang panganay na anak, si Ellie, anak nila ni Jake Ejercito.

Credit: instagram/andieigengirl

Sa kabila nito ay nagpatuloy ang karera ng aktres sa pag-arte sa telebisyon. Nunit kamakailan lang ay ginulat na naman ni Andi ang lahat ng piliin niyang manirahan ng simple sa Isla ng Siargao kung saan malayo sa kinasanayang nitong buhay bilang artista.

Dahil sa hilig ng aktres sa surfing, dito niya nakilala ang ngayon ay asawa at ama ng kanyang mga anak na si Philmar Alipayo. Makikita sa aktres ang kasiyahan sa naging desisyon niya na maging simpleng maybahay ni Philmar.

Credit: Philippine Star

Aniya ito ang pinakamagandang desisyon na ginawa niya sa lahat. Giliw na giliw ang mga netizens at tagahanga nito sa mga ‘videos online’ kung saan makikitang kuntento ang aktres sa buhay nito sa isla. May trending photos pa nga ang aktres na angkas sa motorsiklo kalong ang isang malaking ‘water tub’.

Kuwento ng aktres sa isang interview, masaya siya kasama ang pamilya at ito ang kanyang pinapangarap noon pa. Sa isla niya umano naranasan ang mangisda at magbahagi ng pagkain sa mga kapitbahay. Pinuri at hinahangaan rin siya ng inang si Jaclyn Jose.

Credit: KAMI

Mensahe ng beteranang aktres sa anak nitong si Andi, “Anak, hinahangaan kita sa kung anong meron ka buhay ngayon. Napakatapang mo, sana ako din. Ang ganda ng pagpapalaki mo sa mga bata, sorry sa lahat. Anak, mahal na mahal kita at support ko lahat ng ginagawa mo mag-ingat palagi.” Maraming netizens ang nagpapahatid ng paghanga at kasiyahan sa piniling buhay ng aktres.

Credit: instagram/andieigengirl

Makikita rin sa ibinabahagi nitong ‘videos’ ang magandang pagsasama nila ng asawang si Philmar. Sa Siargao na rin napili ng aktres magpagawa ng kanyang dream house para sa pamilya. Sa ngayon, aktibo ang aktres sa paggawa ng vlog kung saan umabot na ng 1M viewers ang naturang platform.

Sabi nga nila, “Hapiness is where your heart is” at pinatunayan ito ng aktres na si Andi Eigenmann.

Leave a Reply