Lolong Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging, Pinuri Dahil sa Kasipagan

Umani ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens ang larawan ng matandang lalaki na nagtitinda ng saging.

Sa kasalukuyan, mayroon ng mahigit 93,000 reacts, 8,800 comments at 137,000 shares ang nasabing post ni Jeff Garcia noong 2019.

Source: Jeff Garcia via Facebook

“Heartbreaking scene. God Bless you, Tatay. I hope makatanggap rin kayo ng ayuda galing sa gobyerno.”

“Saludo po ako sa’yo Tatay kahit mahirap sa’yo ang kalagayan, ginawa mo pa rin para lang mabuhay ka at iyong pamilya. Ingatan na lang po ang inyong sarili at sanay gabayan kayo ng Diyos.”

“Lord God, bless Tatay. Gave him long and healthier life. And a happy home.”

“Kaya nga sinasabi pa nila na maraming namamatay sa gutom pero wala naman tayong nababalitaang namatay sa gutom. Ang totoo dun gusto lang nilang umasa ng umasa sa ayuda, mga batugang pasaway.”

“God bless you po Tatay. Sana biyayaan ka pa ni Lord ng good health and longer life! Sana gayahin niyo po si Tatay na kahit matanda nagsusumikap pa rin para mabuhay. Nasaan kaya mga pamilya ni Tatay? Mayron kaya siyang mga anak?”

“Yan ang huwaran kahit Senior Citizen nagsumikap hindi umaasa. Nawa’y bgyan ka pa ng lakas at kalusugan ng Poong Maykapal. God bless po.”

Source: Jeff Garcia via Facebook

“Sa mga magnanakaw sana makita n’yo din ‘to. Daming paraan para mabuhay like Tatay, naiiyak ako. God bless po Tatay.”

“Kung mayaman lang ako, una ko tutulungan mga matatanda. Dahil simula bata pa ako yun ang pinapangarap ko tumulong sa kapwa tao. Hindi yung mayaman ka na nga sobrang damot pa.”

“Naiiyak ako kasi naisip ko yung tatay ko na kakamatay lang na sana inabot din sya ng ganitong katanda. Nakakainggit yung ibang anak na mayroon pang magulang tapos di nila inaalagaan mabuti. Dapat sa kanila nagpapahinga at nagrerelax kasi matatanda na sila.”

“I’m so proud of you, ‘Tay. Hindi man kita kilala proud of you so much. Mabuhay ang katulad mo. God will always bless you po.”

“Iyan yung masarap bilhan kasi sa ganung bagay nakakatulong kana kay Lolo at pwede ka pa mag-abot ng bukod na tulong para sa kanya.”

“Love you, ‘Tay. Naiisip ko anong oras siya gumising at matiyaga nag-ani ng bunga ng mga tanim niya tas nilakad pa niya papuntang bayan para lang maibenta ang kanyang ani hanggang sa napagod siya at dyan na nga siya nakapagpahinga habang iniintay na maubos ang kanyang paninda, hays. Mahal na mahal ko kayo mga tatay na sobrang pagsususmikap para sa pamilya nila. Sana po maranasan n’yo din ang ginhawa at masulkian ng mga anak ang inyong pagsasakripisyo.”

“Diyos ko po. Kitang kita sa mukha ni Lolo na pagod na siya. Ang sakit sa kalooban kapag nakakakita ako ng ganito. Hindi na nahinto luha ko. May awa ang Diyos, Lolo.”

Source: Jeff Garcia via Facebook

Hinangaan ng mge netizens ang taglay na kasipagan ng isang matandang lalaki na nakatulog na sa pagtitinda niya ng saging.

Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Jeff Garcia sa kanyang Facebook post ang larawan ng isang matandang lalaki na nakatulog sa tabi ng kalsada. Makikita rin sa kanyang tabi ang mga nakalapag na mga bungkos ng saging na mahihinuhang mga paninda niya.

Mababasa nga sa naturang post ang ganitong caption:

“Nakakahiya naman dun sa iba na puro reklamo na lang. Ginawa pang rason ag kahirapan para gumawa ng mga iligal na gawain. Samantalang si Tatay kahit mahina na ang katawan, nagsusumikap pa rin para mabuhay, huwag lang mamalimos. God bless you Tatay.”

Leave a Reply