Dream House Nila Ni Misis, Binuo Ni Mister Kahit May Napakalubhang Sakit

Matagal-tagal nangupahan ang mag-asawang Ramil at Grace bago nila nakuha ang kanilang pangarap na bahay. Para makatipid, napagdesisyunan ni Ramil na siya ang maging karpintero ng binubuong “dream house.”

SOURCE: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

Ani ni Grace, dati raw ay kurtina lang ang laman ng bahay dahil wala pa silang pambili ng mga furnitures. Vinyl tiles naman ang kinaya nilang ilagay para sa flooring na kauna-unahang trinabaho ni Ramil. Hinangaan siya ng marami dahil binuo niya ang kanilang dream house sa kalagitnaan ng pakikipaglaban niya sa Stage 4 cancer.

SOURCE: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

Hindi nabiyayaang magkaanak ang mag-asawa kaya para sa kanila, ang bahay na ito ang magsisilbing ‘baby’ nila. “Na-love at first sight talaga kami kasi nasa paanan ito ng Mount Makiling e,” ani ni Grace sa isang video.

SOURCE: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

“Pangarap talaga namin ‘yon, na magkaroon ng sariling bahay,” dagdag pa ng kapatid ni Ramil. “Bata pa siya na-experience na niya ‘yung palipat-lipat ng tirahan,” pahayag ng kapatid niya kung bakit ganun na lamang kapursigido si Ramil na mabuo ang bahay. Sa kabila ng kanilang trabaho bilang forklift operator at empleyado sa bangko, nagtipid at nangutang ang mag-asawa para maipundar ang gustong pwesto.

SOURCE: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

Ngunit, year 2017 nang bigla na lang daw dumalas ang pananakit ng dibdib ni Ramil at nakita sa annual physical exam sa trabaho ang tumubong bukol sa dibdib. Dito nila nadiskubre na si Ramil ay may Stage 4 Cancer Thymus Gland. Nang dahil sa cancer, nawalan si Ramil ng trabaho.

SOURCE: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

Hindi ito ininda ni Ramil, para may mapanggastos siya sa kanyang chemotherapy, pinasok ni Ramil ang pagiging delivery boy kahit na bawal. Marami na silang gastusin kaya para makatipid, si Ramil na mismo ang naglagay ng mga tiles, nag-ayos ng kusina, veranda at bakuran ng bahay.

SOURCE: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

“Personal touch niya talaga. Halos lahat ng corners ng bahay siya talaga gumawa no’n,” ani ng kanyang asawa. “Tuwing may chemo[therapy] siya, magpapahinga lang siya ng one week tapos meron siyang gagawin dito sa bahay,” dugtong pa nito.

SOURCE: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

Kalaunan nang malapit ng matapos ang kanilang bahay, nakaramdam si Ramil ng panghihina. Sa pagkakataong ito, nalaman nila na bukod sa stage 4 cancer ay mayroon din siyang diabetes. “Parang mas na-depress siya do’n kesa do’n sa cancer niya. Kasi yung cancer niya, kaya ko e, kaya kong labanan, pero yung diabetes niya, nadeprived siya ng pagkain,” base kay Grace.

SOURCE: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

Sa kabila ng paghihirap, determinado pa rin si Ramil sa pagbuo ng kanilang dream house na mayroong chandelier. Pumunta pa daw ito sa hardware at bumili ng mga gamit para gawin ang pangarap din na chandelier. Labas pasok na rin si Ramil sa loob ng ospital.

SOURCE: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

Hanggang nitong March 17, kinailangan na niyang manatili sa ICU at tanging video call lang ang paraan nila para makausap siya. Hindi na rin ito makapagsalita at sa pagtaas ng oxygen level lamang nila nakikita ang response nito. March 23, sa sarili niyang kaarawan ng pumanaw si Ramil.

SOURCE: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

Nakarating ito sa programa ng KMJS na naging daan para makumpleto ang natitirang kulang sa kanilang “dream house.”

SOURCE: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

Isa lamang ito sa milyong-milyong patunay kung gaano katatag ang mga Pilipino. Kung paano siya lumaban para sa taong mahahalaga sa kanya at hindi hinayaang maging hadlang ang sakit para sa binuo nilang pangarap. Namaalam man siya sa huli, hindi na mawawala ang naiwan nyang pag-asa at determinasyon pagdating sa pagtamo ng mga pangarap sa buhay.

Leave a Reply