Sunshine Cruz, 43, Tila Hindi Tumatanda Kasama Ang Tatlong Dalagang Anak

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay isa sa mga kilala at may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz. Dahil sa taglay na kagandahan ay hindi mapagkakamalang siya ay 43 years old na. Marami ang namamangha sa hitsura niyang tila hindi tumatanda kahit lumipas na ang maraming taon.

Credit: Instagram / sunshinecruz718

Madalas mag-post ang aktres ng kaniyang mga larawan kasama ang tatlo nitong anak na kung titingnan ay para lamang silang magkakapatid.

Credit: Instagram / sunshinecruz718

Hindi lingid sa nakararami na mag-isa niya na lamang pinapalaki ang kaniyang tatlong anak. Ngunit hindi ito naging hadlang upang mapalaki sila ng maayos ng aktres, kasabay ng pag-aalaga nito sa kaniyang sarili upang mapanatili ang kagandahan.

Kina-iinggitan ngayon ng marami ang ganda at batang hitsura ng aktres. Idagdag pa ang pagiging malapit nito sa kaniyang tatlong anak na itinuturing niyang tatlong ‘anghel’ ng kaniyang buhay.

Credit: Instagram / sunshinecruz718
Credit: Instagram / sunshinecruz718

Ang kaniyang panganay na anak na si Angelina Isabel na ngayon ay 19 years old, ay unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa mundo ng showbiz. Nakilala ito bilang may angking galing sa pag-awit, sa katotohanan ay nagkaroon na ito ng recording label deal at sariling album.

Credit: Instagram / angelinaisabele

Bukod sa galing nito sa pag-awit ay napansin rin ng mga netizens ang angkin nitong kagandahan na namana nito sa kaniyang ina na si Sunshine. Marami ang nakapansin sa mala-anghel nitong mukha dahil sa madalas nitong pagpo-post sa instagram. Bukod sa maganda nitong mukha ay namana rin nito ang kutis at payat na pangangatawan ng kaniyang ina, kung kaya naman kung pagtatabihin ang dalawa ay mistulang mag-ate lamang.

Credit: Instagram / sunshinecruz718

Sa kasalukuyan, si Angelina ay mapapanuod sa programang ‘John En Ellen’ sa TV5 Network. Siya ay gumaganap bilang Cam Kulantong na anak ng mga karakter nila Jon Estrada at Ellen Adarna.

Ang pangalawang anak naman ni Sunshine na si Samantha Angeline ay unti-onti na ring napapansin ng media dahil sa angkin nitong ganda na pinaghalong namana sa kanyang ina at sa amang si Cesar Montano.

Maituturing na siya ang may pinaka-magandang pangangatawan dahil sa madalas na pagpo-post nito sa instagram na nakasuot ng swimsuits. Marami ang nagsasabi na maaari siyang maging modelo sa taglay niyang ganda at fit body.

Credit: Instagram / samcruzm
Credit: Instagram / sunshinecruz718

Nito lamang nakaraan ay nagkaroon na siya ng kaniyang first TV appearance sa IwanTV series na pinagbibidahan nila Loisa Andalio at Ronie Alonte na ‘Unloving U’, siya ay gumanap na kaibigan ng karakter ni Loisa bilang Jacklyn.

Credit: Instagram / chesca.montano

Ang bunsong anak naman ni Sunshine na si Angel Francesca ay pareho ring nagmana sa kaniyang mga magulang ang kagandahan. Si Chesca ay may matured na pangangatawan at tan na balat na namana naman niya sa kaniyang ama na si Cesar.

Credit: Instagram / sunshinecruz718

Sa kasalukuyan ay nag-aaral ito sa De La Salle Santiago Zobel School at madalas ring makita sa mga larawan kasama ang aktres na ina na nagbabakasyon sa ibat-ibang lugar. Makikita rin ang pagiging malapit nito sa kaniyang mga ate at mga kaibigan.

Credit: Instagram / sunshinecruz718
Credit: Instagram / sunshinecruz718

Tunay ngang napakaswerte ng aktres na mabiyayaan ng tatlong nag-gagandahang mga anak, na kahit siya ay maituturing na single mother ay napalaki niya sila ng matiwasay. Makikita rin sa mga larawan ang magandang relasyon niya sa mga anak na nagpapakita ng pagiging mabuti niyang ina.

Leave a Reply