Ara Mina, Natupad Ang Pinapangarap Na Fairytale Royal Wedding

Si Hazel Pascual Reyes o mas kilala bilang Ara Mina ay isang aktres, singer, endorser at entrepreneur. Siya ay ikinasal sa businessman na si Dave Almarinez sa Baguio City noong Miyerkules, June 30.

Credit: Instagram / therealaramina

Maraming netizens ang namangha sa mala-prinsesang wedding gown ng aktres na tila ikinasal sa isang prinsipe. Ang engrandeng kasal ay kasing ganda ng mga royal wedding kung saan ay matagal ng pinapangarap ni Ara Mina na klase ng kasal.

Credit: Instagram / niceprintphoto

Bumuhos ang luha sa simula pa lamang ng kasal nang magsimulang maglakad papuntang altar ang anak ni Ara, na si Amanda Gabrille Meneses, na nagsilbing little bride na may suot na kasing gandang gown katulad ng kaniyang ina.

Credit: Instagram / gideonhermosa

Maski ang aktres ay hindi rin napigilan ang maluha habang naglalakad palapit sa altar sa kaniyang mapapangasawa.

Mga kilalang personalidad ang mga panauhin na kabilang sa sampung pares ng mga ninong at ninang sa nasabing kasal. Kabilang sa kanila si dating Senate President Manny Villar Jr. at asawang si Senator Cynthia Villar; Senator Christopher Lawrence “Bong” Go; Richard Gordon; Ralph Recto at asawa nitong si Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto; Trade secretary Ramon Lopez; Glicencio Santos Jr.; at Ever Bilena owner Mr. Dioceldo Sy.

Kasama rin sa mga naging principal sponsor sina Atty. Roy Almoro, Reality Films Producer Dondon Monteverde, Viva Films Producer Vic del Rosario Jr., Laguna Mayor Lourdes Cataquiz, Mega star Sharon Cuneta-Pangilinan, Robinsons Retail Holdings President Mrs. Robina Gokongwei-Pe, GMA executive Redgie Magno, Emelda Teng at Jocelyn Lim Chiong.

Credit: Instagram / niceprintphoto

Ang mala-princess royalty na gown ni Ara Mina ay idinisenyo ng couturier na si Leo Almodal. Ito ay napapalibutan ng swarovski crystal, at maging ang napakahabang train at veil nito ay napupuno rin ng swarovski crystals.

Ang wedding gown ni Ara ay regalo sa kaniya ng kaniyang mga kapatid na sina Heidi Gatmaytan at Christine Reyes. Nais daw nilang maisuot ng kanilang ate ang pangarap nitong mala-princess royalty na wedding gown.

Credit: Instagram / francislibiran

Habang ang wedding dress naman na suot ni Ara Mina sa kaniyang reception ay dinisenyo ni Francis Libiran na art deco inspired na nagpapakita ng pagiging garceful at elegant.

Credit: Instagram / therealaramina

Ibinahagi nga ng aktres sa kaniyang instagram post sa natupad na nga sa wakas ang kaniyang mala-fairytale royal wedding na matagal niya ng pinapangarap.

“My Dream Fairytale Royal Wedding, Unlocked” ayon sa caption nito.

Credit: Instagram / davealmarinez

Samantala, ang asawa naman nitong si Dave Almarinez ay nagbahagi rin ng kanilang larawan sa instagram nito na may sweet caption na: “Forever kitang aalagaan, itataguyod ko ang ating pamilya at bibigyan ng pangalan na malinis at marangal.”

Credit: Instagram / davealmarinez

My wife, my beloved Mrs. Hazel Almarinez, we were meant to be. It is truly our destiny my bebe.”

Kita naman sa mga larawan at mga caption nito kung gaano kasaya ang groom na napakasalan niya na ang pinakamamahal na aktres at makakasama sa habang buhay kasama ang anak nitong si Amanda na buong puso niyang tinanggap at tinuring na ring sariling anak.

Credit: Instagram / sunshinecruz718

Samantala, isa sa mga malapit na kaibigan ni Ara na si Sunshine Cruz ay nagpost rin sa kaniyang instagram ng pagbati sa kaibigang aktres.

“I’m so happy for you Sis Hazel. Finally you’ve found the person you’ll grow old with. Everything definitely happens in God’s time. Macky and I are always here for the both of you. Congratulations Mr. and Mrs. Dave Almarinez!”

Credit: Instagram / sunshinecruz718

Marami ring mga netizens at kapwa artista ang nagpaabot ng pagbati sa bagong kasal at masayang hiniling ang masayang buhay mag-asawa nila, na puno ng pagmamahalan kasama ang kanilang pamilya.

Leave a Reply