Dalagang Naglalako Ng Panindang Banana Cue, Trending Dahil Sa Angking Kagandahan

Ang kagandahan nga naman talaga ay isa sa mga maituturing na asset para makahakot atensyon ng napakaraming tao na maaaring magamit sa maraming bagay. Bonus pa dito kung may kasipagan at kagandahang-loob ang isang tao.

Ngunit kakaiba itong isang dalaga mula Davao City, labing-anim na taong gulang, na naninirahan sa Barangay Poblacion 2, Midsayap. Siya ngayon ay Grade 11 sa Paaralan ng Norte Dame of Midsayap Colege. Hindi lamang ganda ang mayroon siya kundi puso para sa pamilya at kasipagan. Saan ka pa!

Credit: Facebook / Yssa Nicole Nengasca

Si Yssa Nicole Nengasca na tinagurian na ngayon na ‘Banana Cue Girl’, sa kadahilanang siya ay naglalako ng banana cue. Kinalampag niya ang mga netizen sa social media hindi dahil kanyang paninda, bagkus sa kanyang kagandahan.

Credit: Facebook / Yssa Nicole Nengasca

Bagamat naiulat na ang ina ng dalaga ay naghahanapbuhay sa ibang bansa, naging mahirap ang sitwasyon ng kanilang pamilya dala na rin mismo ng pandemya. Ayon sa kanya, naisipan niyang magtinda para na rin makabawas sa gastusin at alalahanin ng kanilang pamilya, sa kabila ng murang edad nito.

Credit: Facebook / Yssa Nicole Nengasca

Walang arte niya itong ginawa sa kabila ng init at maaaring kahihiyan mula sa mga kakilalang mga kaklase o kaibigan. Buong pagmamalaki niya itong ginawa alang-alang sa kanyang pamilya. Maituturing nga na isa ang mga magulang ni Si Yssa Nicole na mapalad dahil nagkaroon sila ng anak na ganito.

Credit: Facebook / Yssa Nicole Nengasca

Ayon pa sa dalaga, wala umano siyang kaalam-alam na siya ay magva-viral sapagkat ang ginawa niya lang naman ay ang magtinda o maglako, ngunit laking gulat na lamang niya at mapag-alamanan na biglang sikat siya sa social media. Ayon pa sa isang komento mula kay John Julius Roque, “I salute you sana all ganyan ang isipan ng mga kabataan.” ‘Sana all’ talaga dahil isa nga namang inspirasyon ang ginawa ng dalaga sapagkat sa dami ng maaaring gawin, ang pagtulong sa kanyang pamilya ang kanyang ginawa.

Credit: Facebook / Yssa Nicole Nengasca

Lalo pa ngayong pandemya, marami tayong pagpipilian gaya ng manood, magbabad sa social media, maglaro at kung ano-ano pa. Ngunit kung talagang mayroon tayong puso at malasakit sa ating pamilya, hindi lamang mga kabataan, kundi lahat tayo ay dapat humakbang para makaahon sa krisis na ito. At kahit wala pa ang pandemya dapat lamang natin ibigay ang ating lahat ng ating makakaya sa mga taong umaasa sa atin. Lahat ng ating magagawa alang-alang sa ating mga minamahal na kahit tinuturing na maliit na bagay ay isa pa rin malaking bagay para sa kanila na inaalayan mo ng mga ito.

Leave a Reply