Bea Alonzo, Inalala Ang Paghubog Ng ABS-CBN Sa Kanya Bago Lumipat Ng GMA

Si Phylbert Angelli Ranollo o mas kilala bilang Bea Alonzo ay isang aktres, singer, model at endorser. Kilala rin siya bilang isa sa mga ipinagmamalaking aktres ng ABS-CBN kung saan siya nagsimula at sumikat at naging award winning movie aktres pa nga.

Ngunit ang dalawampung-taong pamamalagi niya sa ABS-CBN network ay tuluyan ng natapos ng ibinunyag ang pagpirma niya ng kontrata sa paglipat sa GMa network nitong Hulyo 1, Huwebes.

Credit: Instagram / gmanetwork

Ibinahagi nga ni Bea sa kaniyang vlog na ‘New Beginnings’ ang desisyon niyang paglipat sa GMA network. Dito ay nagbalik tanaw ang dalaga sa naging simula niya sa industriya ng showbiz. Ibinahagi ng aktres na bata pa lamang ay pangarap niya na maging artista at madalas siyang umarte sa harap ng salamin habang ginagaya ang aktres na si Judy Ann Santos. Palagi rin niyang ginagaya ang mga sayaw sa ‘Ang TV’ kung saan madalas siyang maabutan ng kaniyang ina at nagtataka sa mga ginagawa niya.

Credit: Google

Nagsimula nga siyang madiskubre noong sumali siya sa isang beauty pageant sa Pasig kung saan nakita ng designer na si Mr. Oscar Peralta at kaibigan nitong si Mr. Archie Ilagan ang kaniyang ganda at potensiyal sa showbiz. Nag-audition siya sa ABS-CBN network kung saan ay maswerte siyang napili at napabilang sa Star Circle batch 10.

Credit: Google

Hindi naging madali para kay Bea ang magsimula sa showbiz lalo na at wala pa siyang sariling sasakyan noong mga panahon na iyon at ibinunyag nya ngang nakikisabay lang siya sa sasakyan ng mga staff. “Mahirap maging mahirap kapag nag-uumpisa ka pa lang maging artista,” ayon sa aktres. “It wasn’t easy,” kinailangan nga ni Bea na huminto sa pag-aaral dahil sa sunod-sunod na proyekto at hindi niya pag-attend ng mga graduation, birthdays, at ilang selebrasyon pang-pamilya dahil sa buhay artista niya, ngunit lahat daw ito ay “worth it”.

Credit: Instagram / beaalonzo

Umiiyak na pinahayag ng aktres sa kaniyang vlog ang kaniyang pasasalamat sa ABS-CBN network sa pagbibigay oportunidad at tiwala sa kaniya sa loob ng 20 years. Ipinagpapasalamat niya rin na utang niya sa ABS-CBN ang pagkahubog ng kaniyang talento at ang makasama sa trabaho ang magagaling na artista na naging matatalik niyang kaibigan kalaunan, sa magagaling na writers at maging sa mga directors na nakatrabao niya.

Pagkatapos ng taos puso niyang pasasalamat at pagbabalik tanaw ay isinawalat na nga niya ang desisyong paglipat sa kabilang network, kung saan isang lugar na hindi niya pa kailanman napupuntahan at lugar na hindi niya raw ‘comfort zone’. Matagal raw nag-reflect ang aktres sa mga pangyayari sa kaniyang buhay kung saan ay umabot na nga siyasa desisyong ito ng kaniyang buhay.

Credit: Instagram / beaalonzo

“I am an actress, I am here to create. That is my purpose, and that is my task, I owe that to my audience.” Masakit man kay Bea ang magpaalam, alam niya raw na ang desisyong pinili niya ay magbubukas ng marami pang pinto ng oportunidad at mga bagong matutunan na makakatulong sa kaniyang paglago at pagbabago. “Change is always scary, but it can also be beautiful.”

Credit: Instagram / beaalonzo

Marami ngang netizens ang nagulat sa di inaasahang desisyon nito ng paglipat ng network. Marami ang nagpahayag ng di pagsang-ayon sa kaniyang paglipat pero mas marami rin namang tinanggap ang kaniyang desisyon at nagpahayag ng pag-welcome sa kaniya. Makikita sa kaniyang instagram post ang ilan sa mga mensaheng mami-miss siya ng kaniyang mga co-actors at actresses sa ABS-CBN, ang ilan sa kanila ay hiniling ang tagumpay niya sa kabilang network.

Credit: Instagram / beaalonzo

Buong puso naman siyang tinanggap ng mga kapuso actors at actresses, na nagbigay komento sa kaniyang instagram post at video greetings. Nilo-look forward din ng aktres na sana ay makatrabaho niya ulit ang kaniyang first love team na si Dennis Trillo. Nais niya rin daw makatrabaho sila Marian Rivera, Lovi Poe, Solenn Heusaff, Jennilyn Mercado, Gabbi Garcia, Julie ann San Jose at Ruru Madrid.

Sa ngayon ay magbabakasyon daw muna siya sa America at pagbalik niya ay tsaka niya sisimulan ang mga proyekto niya sa GMA network at isa na nga rito ay ang movie nila ng pambansang bae na si Alden Richards.

Leave a Reply