Camille Prats, Inulan Ng Komento’t Papuri Sa Pag-Achieve Ng Kanyang “Ideal Weight”

“Looking so great!” “Hot girl summer!” “Super Fit!” “Wow, hot Mama!” at marami pang iba. Ilan lamang ito sa magagandang komento ng netizens sa larawan ng Kapuso actress/host Camille Prats sa kanyang trending Tiktok at Instagram posts.

Credit: Instagram / camilleprats

Aktres/host/endorser/entrepreneur—yan ang ilan lamang sa trabaho ng Kapuso actress na si Camille Prats. Nagsimula si Camille bilang child star at ngayon nga ay isa sa tinitingalang artista sa showbiz. Kilala ang aktres sa pagganap nito sa ilang palabas sa telebisyon o maging sa pelikula.

Credit: Instagram / camilleprats

Katunayan hit na hit noon ang pelikulang pinagbidahan ng aktres na “Princess Sarah: Ang Munting Prinsesa”. Marami ring endoresements ang hinahawakan ng aktres. Maliban rito kasalukuyang host si Camille ng talk show na Mars Pa More na napapanood sa Kapuso Network.

Credit: Instagram / camilleprats

Ngunit sa kabila ng ‘busy schedule’ nito sa trabaho isa din siya sa mga ‘celebrity mom’ na aktibo sa kanilang ‘workout routine’. Masayang ikwenento ng Kapuso actress-host sa kanyang social media account na na-achieve na niya ang kanyang ‘ideal weight’.

Credit: Instagram / camilleprats

Kwento niya ginugutom niya ang sarili at hindi nag-e-ehersisyo noon. Dagdag pa ng aktres na maraming benepisyo umano siyang nakuha mula sa kanyang pag-e-ehersisyo. Ilan rito ay ang pagkakaroon niya ng maraming enerhiya para sa pamilya at trabaho, maayos na pagdumi at pagkawala ng pananakit ng kanyang likod dala ng kabi-kabilang trabaho.

Credit: Instagram / camilleprats

Makikita sa video post ng aktres ang malaking ipinagbago ng katawan nito. Meron itong caption na “celebrating my birth month with a tiktok dance” na may mahigit 600 thousand likes. Bumuhos ang papuri ng kapwa artista sa aktres sa ipinakita nitong fit na katawan.

Credit: Instagram / camilleprats

Pinuri rin ng aktres na si Valerie Conception si Camille sa pagkakaroon nito ng ‘toned body’. Napa-wow din ang netizens sa larawan ng aktres na naka swuimsuit. Ani ni Camllie sa naturang post: “not ready to say goodbye to summer yet” na umani ng mahigit 55 thousand likes ng aktres sa kanyang Instagram post na may mahigit 300 comments.

Credit: Instagram / camilleprats

Ilan sa mga netizen ang nagpahatid ng paghanga at ilan ay may positibong komento sa ipinakitang fitness ng aktres sa kabila ng pagkakaroon nito ng tatlong anak. Kasama din umano niya ang kanyang asawang si Vj Yambao sa pag-e-ehersisyo.

Credit: Instagram / camilleprats

Isa ang aktres na si Camille sa nagpapatunay na kahit nanay na, dapat pa rin alagaan at mahalin ang sarili sa kabila ng dami ng trabaho sa larangan ng showbiz. Body goals talaga si Mars Camille!

Leave a Reply