Pagluhod ng Dalagang Beauty Queen sa Kanyang Ina, Hinangaan sa Social Media

Mayaman, sikat, glamorosa—iilan lang yan sa mga salitang papasok sa inyong utak kapag narinig mo ang katagang “Queen”. Ganito rin ang ating naiisip kapag nakarinig tayo ng katagang beauty queen. Madalas sila ay napapalibutan ng magagarang gamit. Sila ay pinagkakaguluhan mapa-personal man o sa social media, at lagi mo silang makikitang nakapostura.

SOURCE: Mirror

Ngunit hindi ganito ang kwento ng ating binibini. Bilang isang beauty queen ay laking gulat ng mga netizens ng ito ay lumuhod sa kanyang ina na isa palang garbage collector!

Hindi maiwasan ng mga netizen ang mapahanga sa ginawa ng dalaga sa kanyang ina. Basahin ang ilan sa kanilang mga naging komento:

SOURCE: Mirror

“Congrats saludo ako sa’yo, hija! Hindi  mo kinahihiya ang Nanay  mo  na isang garbage collector. God bless!”

“Patunay lang yan na isa siyang mabuting anak dahil kahit ganyan ang hanapbuhay ng kanyang ina ay hindi niya ito ikinahihiya!”

 “Patunay na siya ay isang tunay na beauty queen! She is beautiful inside and out!”

“Mabait kang anak sana pagpalain ka pa ng Panginoon sa iyong kabaitan at pagpapakumbaba sa iyong magulang at napakabait ng iyong ina! God bless.”

SOURCE: Mirror

“Yan ang tunay na anak! Kailangan isipin ang lahat ng sakripisyo ng isang magulang para maging successful ka talaga sa buhay mo at suklian mo ng buong pagmamahal, respeto at pag-aalaga.”

“Be proud of your parents  and you respect it.”

“Maganda ang pagpapalaki ng kanyang magulang sa kanya. Marunong siyang lumingon sa kanyang pinanggalingan. Mapagmahal sa magulang, hindi niya ito ikinahihiya sa kabila na garbage collector lang ang Nanay niya naging proud pa siya! Ito ang anak na maipagmamalaki ng isang magulang. God bless you, Ineng.”

Aniya ng dalaga sa kanyang pagluhod ay pagbibigay ng pasasalamat sa kanyang magulang sa lahat ng sakripisyo nito at suporta sa pag-abot ng kanyang matayog na pangarap.

SOURCE: Mirror

“Marunong tumingin sa hirap at tiyaga na ginawa ng kanyang magulang para marating niya ang kanyang pangarap!”

“Nararapat lamang ang kayang ginawa sa kanyang magulang sapagkat kung hindi dahil sa kanyang mga magulang ay hindi niya nakita ang mundo na kanyang ginagalawan.”

“Saludo ako sa’yo, anak! Pagpalain ka nawa ng ating may likha.”

Ang naturing na pagluhod ng naturing beauty queen sa kanyang ina ay bilang respeto at pagpupugay dahil kung hindi dahil sa kanyang nanay ay hindi siya makararating sa kanyang kinalalagyan sa kasalukuyan.

SOURCE: Mirror

Makikita sa mga larawan na ipinagmamalaki ni Khanitta ang kanyang ina dahil sa mga sakripisyong ginagawa nito para sa kanya.

Ginawa ng babaeng ito ang kanyang makakaya upang masuklian niya ang paghihirap ng kanyang ina. Madalas tayo ay nahihiya sa sasabihin ng mga taong nakapaligid sa atin ngunit aniya ay kailanman ay hindi niya umano ikinahihiya at ikakahiya ang trabaho ng kanyang ina sa pagkokolekta ng basura dahil ito ay trabahong makata at higit sa lahat ay marangal. Ayon pa sa kanya ay ipinagmamalaki niya ang trabahong ito dahil ito ang nagbigay katuparan sa kanyang matayog na pangarap.

SOURCE: Mirror

Laking pasasalamat na lamang ni Khanitta sa kanyang ina dahil hindi daw niya ito nakitang pinagdudahan ang kanyang mga pangarap. Ang kanyang ina raw lagi ang nagpupursigi sa kanya na abutin lamang ang kanyang pangarap dahil naniniwala siyang hindi ito malabong matupad.

Ang nasabing Beauty Queen ay si Khanitta “Mint” Phasaeng na 17 gulang, natupad ang kanyang pangarap dahil sa ibinigay na walang tawad na suporta na nanggaling sa kanyang ina.

Leave a Reply