Paolo Ballesteros, Masaya Na Naiintindihan Ng Anak Ang Kanyang Tunay Na Kasarian

Si Paolo Elito Macapagal Ballesteros IV o mas kilala bilang Paolo Ballesteros ay isang TV host, comedian, aktor at impersonator. Siya ay matagal ng host sa noon time show ng GMA na Eat Bulaga kung saan araw-araw siyang napapanuod ng mga netizens at ipinapakita ang kaniyang galing sa pagpapatawa at hosting.

Credit: Instagram / pochoy_29

Si Paolo ay isang magaling na aktor kung saan ay gumaganap siya ng mga iconic role sa pelikula. Isa na nga rito ang pag-ganap niya bilang si “Trisha” na isang transgender woman sa award winning film na Die Beautiful noong 2016. Ang kahanga-hanga niyang pag-arte sa pelikulang ito ay nagbigay sa kaniya ng parangal sa Gawad Urian bilang “Best Actor”.

Credit: Instagram / pochoy_29

Maaalala ring naging matunog ang pangalan ni Paolo noong nagsimula siyang mag-impersonate ng ibat-ibang mga Hollywood stars tulad nila Mariah Carey, Britney Spears at Beyonce. Ang talento niya sa make-up transformation ay talaga namang kinabiliban ng maraming netizens dahil sa kaniyang galing at gayang-gayang itsura ng mga ito.

Paolo as Mariah Carey
Credit: Instagram / pochoy_29
Paolo as Britney Spears
Credit: Instagram / pochoy_29
Paolo as Beyonce
Credit: Instagram / pochoy_29

Lingid sa kaalaman ng marami, si Paolo ay may babaeng anak na nag-ngangalang ‘Keira Claire’. At hindi nga maitatanggi na may potensyal rin ito sa showbiz kung gugustuhin nito dahil sa angking ganda.

Credit: Instagram / pochoy_29

Mapapansin rin sa mga post ni Paolo kung gaano niya kamahal ang anak. Nito nga lamang ay nagtapos na ito sa elementarya na mayroong honor, kaya naman proud na proud siya bilang ama na magbahagi ng larawan nito na naka-toga.

Credit: Instagram / pochoy_29

Ibinahagi nga ni Paolo sa Eat Bulaga na naiintindihan ng kaniyang anak ang tunay na kasarian niya. Hindi man daw nila pinag-uusapan ng kaniyang anak na si Keira ang kaniyang tunay na kasarian, batid niyang tanggap siya nito at naiintindihan ang kaniyang sitwasyon dahil matalino itong bata.

Credit: Instagram / pochoy_29

Ayon pa kay Paolo, hindi kailanman niya naisip na itago sa anak na si Keira kung ano ang kaniyang tunay na kasarian, lalo pa nga nasa iisang bahay lamang sila nakatira ng kaniyang anak. Dahil bata pa ang anak, sapat ng nagkakaintindihan silang dalawa sa kung ano ang mga kilos nila, at hindi kailangan pang idetalye kay Keira ang kaniyang totoong gender preference.

Credit: Instagram / pochoy_29

Ngunit habang ito nga ay lumalaki ay hindi niya na rin itinago pa ang kaniyang tunay na kasarian. Noon nga daw nakaraang taon ay sinabi niya na kay Keira upang madali nitong matanggap habang siya ay bata pa. At malugod nga itong naintindihan ng anak dahil kahit papaano ay may ideya naman na ito.

Credit: Instagram / pochoy_29

Maituturing na isang pambihirang relasyon ang mayroon kay Paolo at sa kaniyang anak na si Keira. Hindi siya katulad ng ibang magulang ngunit hindi ito naging hadlang para mapalaki niya ng maayos ang anak. Patuloy silang nagpapakita ng magandang ugnayang mag-ama na talaga namang nakatutuwa at kinaiingitan rin ng marami.

Credit: Instagram / pochoy_29

Samantala, kung sa telebisyon ay napapanuod si Paolo bilang isang nakakatawang komedyanteng host at aktor, iba naman daw siya pagdating sa anak. Bilang isang ama na may anak na babae, siya raw ay seryoso at mahigpit dito, na normal lang naman lalo na at siya ay single parent.

Sa kasalukuyan, ang kaniyang anak na si Keira ay nasa puder ng kaniyang ina sa Baguio at doon nag-aaral, ngunit tuwing bakasyon naman daw ay kasama niya ito. Habang siya naman ay patuloy pa rin bilang comedian host sa Eat Bulaga at active sa social media.

Leave a Reply