Tatlong Electrical Engineering Students, Nakaimbento Ng “Sign-Language To Speech Translator Gloves”

Isa ang Sign Language sa mga naturang paraan upang magkaroon ang isang indibidwal ng komunikasyon sa mga “mute” at “speech impaired people.” Ngunit nakalulungkot pa ring isipin na iilan lamang sa atin ang sumusubok na matuto nito. Makikita mo naman talaga ang pagkakaroon ng malaking pagitan ng mga pipi at bingi sa atin, lalo na pagdating sa paglalahad ng kanilang saloobin at nararamdaman.

Credit: Facebook / Vencel Sanglay

Ngunit, hindi na ito magiging problema sa ngayon. Bakit? Salamat sa mga kabataang Pinoy!

Isang grupo ng Electrical Engineering na mga estudyante mula sa Camarines Sur Polytechnic College ang nakaisip na isang magandang ideya ito para sa kanilang ginagawa noong “project thesis” na pinamagatan nila ng “Filipino Sign Language to Voice Converter”.

Credit: Facebook / Vencel Sanglay

Ang kanilang video presentation ay ipinost ni Francis De Guzman sa isang social media platform—sa kanyang Facebook account. Nakapaloob dito ang kanilang agenda na mabigyan ng boses ang mga pipi at bingi, na naglalayong maisantabi ang mga humahadlang sa kanila na mailahad ang kanilang mga kaisipan at saloobin sa madla.

Credit: Facebook / Francis De Guzman

Hindi nagtagal ay agad nga itong nag-viral at umani ng 60k reactions, 1.7k comments, and 27k shares na magpasahanggang ngayon ay patuloy pa ring lumalaki ang naturang video ng mga kabataang pinoy na ito dahil sa pambihira nilang kaisipan at malasakit sa mga “mute” at “speech impaired people”.

Credit: Facebook / Francis De Guzman

Ipinakita sa demonstrasyon ang guwantes na siyang ginagamit ng estudyante habang nag sa-‘sign language’. Kasabay ng kilos ng kamay ay naisasaboses naman ito ng guwantes. Ayon sa mga estudyante, matutulungan ng mga guwantes ang mga taong bingi at speech impaired na maipahayag ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagpapahiram sa kanila ng tinig ng guwantes. Ang guwantes ay naglalaman ng mga sensor at isang Wi-Fi connector na kino-convert ang kilos ng mga kamay para maging pananalita.

Credit: Facebook / Francis De Guzman

Tunay ngang ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Makakabuti nga na mulat ang mga kabataan at may kamalayan sa mga problema at isyu hindi lamang ng kanilang sarili kundi ng mga tao ring nawawalan ng boses at pandinig. Isang magandang indikasyon na ang mga kabataan ngayon ay nagiging kagamitan tungo sa magandang kinabukasan.

Credit: Facebook / Camarines Sur Polytechnic College

Sa kabilang banda, ang ganitong imbensyon ay hindi na bago. Sa madaling sabi, hindi ito ang unang beses na naipakilala ang paggamit ng gloves bilang tulong sa pag-unawa ng sign language. Taong Abril 2016 dalawang estudyante mula sa University of Washington ang nakaimbento ng “SignAloud.” Dahil sa nasabing imbensyon, napanalunan ng mga ito ang $10, 000 Lemelson-MIT Student prize.

Leave a Reply