Aiko Melendez, 45, Pinahanga Ang Publiko Sa Kanyang Fit Na Pangangatawan

Si Aiko Melendez ay kilala bilang aktres na madalas gumanap sa mga pang-kontrabida role ng mga teleserye. Talaga namang napakagaling nitong aktres dahil nagagampanan niya ng mahusay ang kaniyang mga karakter na kinaiinisan ng mga manunuod dahil sa kaniyang angking galing.

Credit: Instagram / aikomelendez

Ngunit hindi magawang mainis ng mga manunuod sa mga larawang ibinabahagi niya sa kaniyang instagram, dahil sa edad na 45 years old ay napaka-young looking ng awra ng aktres at parang dalaga lamang kung pumorma at mag-ayos. Noong ika-15 nga nung Hunyo 2021 ay marami ang napahanga sa kaniyang selfie photo na ibinahagi sa instagram. Marami ang nakapansin na tila hindi ito tumatanda at sa halip ay bumabata pa nga tingnan dahil sa kaniyang fit ang young-looking beauty.

Credit: Instagram / aikomelendez

Hindi inaasahan ni Aiko na maraming makakapansin at hahanga na mga netizens at mga showbiz personalities sa kaniyang larawan. Matapos makita ang napakalaking pagbabago sa kaniyang katawan ay dinagsa ito ng mga magagandang komento. Ilan lamang ito sa mga positibong komento sa kaniyang instagram post noong Hunyo 15:

“Oh y so fresh and you look so young.”

“Grabe ang sexy! Ang very gorg.”

“Ang bagets!”

“Parang teenager sis! Beautiful and sexy!”

“Hala parang dalaga lang.”

Credit: Instagram /aikomelendez

Dahil na rin sa sobrang batang tingnan sa kaniyang post, ay marami rin ang nagkomento na inakala nilang ang kaniyang anak na 14 years old na Marthena Jickain ang nasa larawan.

“Wow akala ko si baby girl mo.”

“I thought it was Marthena.”

“Akala ko yung anak niyang babae, baby face po kayo.”

“Unang tingin parang yung daughter mo.”

“Marthena doppelganger.”

Credit: Instagram / aikomelendez

Ang lakas maka-teenager vibes ng dating ng larawan ni Aiko kung saan nakasuot siya ng isang blue shirt at denim shorts, na pinaresan ng rubber shoes habang ang kaniyang buhok ay straight na nakalugay at naka-clip sa kabilang side. Ang napakagandang larawan ni Aiko na kaniyang ibinahagi sa instagram na may nakalagay na caption kung saan ay pinasalamatan niya ang sponsor ng suot-suot niyang damit na kaniyang nagustuhan.

Credit: Instagram / aikomelendez

Dahil sa mga nakasisiyang mga papuri mula sa mga netizens at kaniyang mga kaibigan sa showbiz, ay nagpost si Aiko ng pasasalamat sa mga taong nagbigay sa kaniya ng suporta. Sa mismong post rin, ay ibinahagi ni Aiko ang kaniyang sikreto sa kaniyang fit and young looking beauty.

“Thank you for making me trend yesterday and for the wonderful comments,” panimula ni Aiko. Naka-tag na rin sa kaniyang post ang kaniyang mga sponsor na naging rason para magawa ang pagbabawas ng timbang upang maging fit ang kaniyang pangangatawan at maging young-looking. Isa pa, ay nabanggit rin ni Aiko na may delivery food siyang kinuha na tanging mga keto at vegan food lamang ang mga pagkain.

Credit: Instagram / aikomelendez

Dagdag pa ni Aiko, bukod sa kaniyang healthy diet ay sinasamahan rin niya ito ng regular na pag-eehersisyo sa kanilang bahay at umiinom ng cacao drink. Bumibisita rin siya paminsan-minsan sa beauty clinic upang mapanatili ang kaniyang flawless skin. Ito ang mga sikreto na ibinahagi ng aktres upang mapanatili ang kaniyang healthy and young-looking beauty na hinahangaan ng marami ngayon. Hindi maitago ni Aiko ang tuwa at pasasalamat dahil sa mga papuri at nainspire sa kaniyang fitness journey.

Credit: Instagram / aikomelendez

“I’m happy to inspire a lot of people who almost gave up on their weight loss journey. It is never too late.” Sa huli ay nagpasalamat si Aiko sa mga nagbigay ng mensahe sa kaniya. “Sa lahat ng mga nag-message sa akin, salamat! Mahirap pero gugustuhin, kakayanin natin yan! Good luck on your weight loss journey! And yes wala po akong make-up!”

Leave a Reply