“Education Has No Age Limit”, Lola, 62, Nakapagtapos Ng Junior High School

Ang salitang imposible ay tunay ngang wala sa bokabularyo ng mga mananagumpay. Tatahakin nila kahit pa tinuturing na ‘huli na’ para sa paningin ng iba pero para sa kanila basta pinangarap, tiyak ngang aabutin nila. Tunay ngang walang makakapigil kahit pa usapang edad.

Credit: Facebook / Josephine Villatema

Si Lola Josephine Amante Villatema, sa kabila ng kanyang edad na 62 ay isa sa mga patunay na walang makakapigil sa mga taong may pusong nangangarap. Nakapagtapos siya ng sekondarya sa pamamagitan ng ALS (Alternative Learning System) sa Timoteo Policarpio Memorial School sa Norzagaray, Bulacan. Ang ALS ay praktikal at alternatibong edukasyon sa Pilipinas para sa elementary at high school. Ibinibigay ito sa mga kabataan o kahit na sino na walang access sa pormal na edukasyon o kaya naman mga taong na huli na sa pagkuha ng edukasyon sa edad nila, gaya na lamang ni Lola Josephine. Ang kanyang larawan ng pagtatapos ay ipinost ni Glenn Mendoza isang photographer na may caption na: “Walang edad ang edukasyon.”

Credit: Philippine Star

Ang pangarap niya na mag-aral ng Culinary Arts sa ilalim ng programa ng TESDA para sa kanyang pamilya ang nagtulak umano kay Lola Josephine na tapusin ang kanyang pag-aaral sa sekondarya. Noon pa lamang ay talagang nais na nitong makatapos ngunit dahil na din sa kahirapan ay napilitan itong ipagpaliban abutin ang nais nyang abutin. Ngunit ngayon, isa ngang malaking tagumpay hindi lamang sa kanyang sarili kundi para sa kanyang pamilya ang makatapos ng sekondarya ang kanilang ina at lola. Sino nga bang hindi magiging proud sa katapangan at pagpupursige ni Lola Josephine.

Credit: Facebook / Josephine Villatema

Para kay Lola Josephine, pagdating sa pag-aaral, walang huli na, kahit pa matanda pa. Ngunit gaya ng lahat ng pagpupunyagi, hindi naging madali ang lahat ng ito, bago niya maabot. Una, kinailangan niyang labanan ang kanyang hiya dahil kung tutuusin tunay ngang malaki ang agwat ng edad niya sa kanyang mga kaklase, pinagsasabay niya din ang pag-aaral sa pag-aalaga sa kanyang mga apo at mga pinasyal pang problema. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ito siya nakangiti sa kanyang larawan na simbolo ng kanyang pagtatapos.

Credit: Glenn Mendoza

Tunay ngang kahanga-hanga ang pinamalas ni Lola Josephine para sa ating lahat. At karamihan sa mga netizen ay talaga ngang pinalakpakan ang tagumpay niya na ito. “Congrats Lola, education is for all. Age doesn’t matter,” komento ni Erlano Edna isang netizen. Na dinagdagan pa ni Elsie Amancio Cabaña, “never stop learning cause learning is a never ending process.”

Credit: Glenn Mendoza

Wala nga naman sa edad kapag edukasyon at pangarap na ang usapan. Basta ba may puso at pursigido, talaga ngang maabot natin yan, basta kapit ka lang makakarating din tayo dyan.

Leave a Reply