Heart Evangelista-Escudero, Isang Mapagmahal Na Stepmom Sa Mga Anak ni Chiz

Si Love Marie Ongpauco o mas kilala bilang Heart Evangelista ay isang sikat na aktres, TV host, modelo, vlogger, painter, philanthropist at socialite. Siya ay ikinasal sa dating Senador na si Chiz Escudero na ngayon ay Gobernador na ng Sorsogon, Bicol.

Credit: Instagram / iamhearte

Nagsimula ang kanilang pag-iibigan noong ipakilala sila sa isat-isa ng yumaong Senador Miriam Defensor-Santiago na katrabaho ni Chiz sa Senado at itinuturing naman na parang pangalawang ina ni Heart. Wala pang balak na pumasok sa isang seryosong relasyon noon si Heart dahil kagagaling lamang niya sa break-up. Ngunit dahil sa pagiging pursigido at matiyaga ni Chiz ay napasagot niya ang aktres. Tila nga naging kupido ang yumaong senador sa dalawa dahil noong 2012 ay nagsimula ang kanilang relasyon at ikinasal noong 2015 sa Balesin Island, Polilo, Quezon.

Credit: Instagram / iamhearte

Taong 2018 naman nang isinapubliko ni Heart na siya ay nakunan sa sanang kambal na anak nila ng asawang si Chiz. Matindi ang kalungkutan na dinanas ng mag-asawa, lalo na ang aktres na dumanas pa nga ng depression dahil sa pagkawala ng kanilang kambal.

Samantala, mayroong dalawang anak si Chiz sa una niyang asawa na si Cristy Flores at ito ay kambal. Sila ay sina ‘Chesi’ at ‘Quino’ na 13 taong gulang na ngayon. Ayon sa aktres ay nahirapan siya noong una na makitungo sa kambal na anak ni Chiz sa unang asawa nito. Hindi niya pa alam kung paano niya ito pakikisamahan dahil nga wala pa siyang karanasan sa pagiging isang ina.

Credit: Instagram / escuderochiz

“I have to treat them extra nice because I’m fully aware I am their stepmom. In the beginning, I must admit, it was very very hard for me to adjust because I am the youngest of my siblings and I never really had total freedom in my life and then finally when I was married, I had all the freedom but then you know, I couldn’t make out with my husband anywhere in the house because we have kids that was really hard for me,” pahayag ni Heart.

Credit: Instagram / iamhearte

Nag-effort si Heart at gumawa ng malaking adjustment para mapalapit sa mga bata at kalaunan nga ay nakuha niya na ang loob ng mga ito. Makikita nga sa mga Instagram post ng aktres ang pagiging malapit niya sa mga bata. “I am just saying that the set-up was such an adjustment because I had to really mature and I wasn’t even thinking my age, I was so much immature during those times.”

Ang pagiging stepmom ni Heart sa dalawang anak ni Chiz ay hindi naging madali para sa kanya, lalo na’t hindi pa siya handa sa parteng ito ng kaniyang buhay. Ngunit bilang isang mapagmahal na asawa ay talaga namang ipinakita ng aktres na may kakayahan siyang maging isang mabuting ina sa mga ito.

Credit: Instagram / iamhearte

Hindi man siya ang tunay na ina ng mga ito ay napamahal na siya sa kambal at itinuturing niya ang mga ito na sarili niyang mga anak. Katulad ng ibang ina, wala namang pinag-kaiba ang pagiging stepmom niya sa mga bata dahil binibigyan niya ito ng sapat na atensyon, pag-aalaga at pagmamahal. Sa katunayan, malaki ang pasasalamat ng kambal na si Chesi at Quino sa kanilang stepmom na si Heart sa pag-aalaga at pagmamahal na natatanggap nila mula sa kanya, kung kaya naman ay binigyan nila ito ng regalo at mahabang sulat na may sweet na mensahe.

Credit: Instagram / iamhearte

“Thank you for always being here for us and being basically our mother figure while in quarantine and we don’t see daddy and our mom everyday.”

“Us spending time at home together has really shown me and ate your love for daddy, for us, for our dogs, for all we are within the house and your fellow Filipinos.”

“We saw how strong you are and how you can take care of a household without having experience as a parent.”

Credit: Instagram / iamhearte

Ilan lamang iyan sa mahabang mensahe ng kambal sa kanilang stepmom na si Heart. Patunay ito na isa siyang mabuting ina sa kanila. Hindi man siya biniyayaan ng sarili nilang anak ng kaniyang asawa ay hindi ito naging hadlang para marasan niyang maging isang mabuti at mapagmahal na ina sa kanila.

Leave a Reply