Inka Magnaye, Naging Matagumpay At “In Demand” Na Voice Artist Sa Kabila Nang Pagiging Dropout Nito

Si Inka Magnaye ay isang Tiktok star, model, aktres at isang social media influencer. Naging kilala siya bilang voice actor sa Philippine Airlines (PAL) at ngayon ay may sarili ng podcast. Siya ang boses sa likod ng Philippine Airlines (PAL) in flight advisory. Lumaganap na rin ang pagkakaroon niya ng boses sa Twitter na naging pagkakataon para maisawalat niya ang katotohanan tungkol sa kanyang nakaraan.

Credit: Instagram / inkamagnaye

Sa isang post sa Twitter noong September 2020, isang netizen ang nag-iwan ng komento. Makikita sa larawan na gusto niyang malaman kung saan nag-aral at ano ang kursong kinuha ni Inka Magnaye noong kolehiyo.

Credit: Twitter / Inka Magnaye

Sagot ng voice artist, hindi daw siya nagkaroon ng pagkakataon na mag-kolehiyo at kailangan niyang mag-drop out sa high school dahil nagkaroon sila sa problema sa pera. Sa masaklap na pangyayari, nasunog ang kanilang family business kasama na dito ang planong pag-aaral niya sa kolehiyo kaya kinailangan niyang magtrabaho.

Inamin niya na nahirapan siyang makahanap ng trabaho na ang meron lang siya ay Grade School diploma. Maraming kompanya ang mataas ang qualifications na nakadepende sa industriyang papasukan. Aniya, “I had to work VERY hard to get to where I am in my own industry.” Ito rin daw ang dahilan kung bakit siya napunta sa voice work, base sa kanya ang trabahong kinaangat niya ngayon na siyang tanging industriya na tumanggap sa kanya.

Credit: Instagram / inkamagnaye

Sa dami ng napasukan na trabaho ni Inka, mapa-voiceover artist, model at natatanggap na social media attention ay bunga ng kanyang talento at pagsisikap. Binigyang-diin pa rin niya ang importansya ng pag-aaral at pagtatapos ng college degree. Kung mabibigyan nga raw siya ng choice, pipiliin niyang mag-aral sa kolehiyo.

Credit: Instagram / inkamagnaye

Sa isang Twitter post pa niya, nag-iwan siya ng mensaheng hindi umiikot ang mundo sa pag-aaral ngunit kung may kakayanan ka na magtapos sa pag-aaral, piliin na tapusin kung ano mang estado kinakaharap ngayon dito. Para sa kanya, “education is always to your advantage” at siya ang patunay na isang pagsubok ang paghahanap ng trabaho lalo na kung wala kang natapos. Nabanggit din niya, kung magkakaroon siya ulit ng pagkakataon na magkolehiyo, gusto niyang itake ang kursong related sa linguistics at archaeology.

Credit: Twitter / Inka Magnaye

Sa pagitan ng diploma at pag-aaral, walang kasiguraduhan na magiging sandata ng lahat ang college diploma para makakuha ng trabaho. Para sa kanya, sa kabila ng magandang educational background, kaakibat pa rin nito ang pagiging determinado, sipag at tiyag na kanyang dala-dala sa matagal na taon niyang pagtanggap ng maraming voice over projects. “Whatever educational attainment you have, you get to success through hard work,” pahabol na tweet niya para sa usaping ito.

Leave a Reply