Jaclyn Jose, Masaya At Proud Sa Piniling Buhay Ng Anak Na Si Andi

Matatandaang naging isang malaking balita sa showbiz ang pagdedesisyon ng aktres na si Andi Eigenmann na lumayo pansamantala sa kamera kapalit ng tahimik nitong pamumuhay sa Isla ng Siargao. Kasama nito ang asawang si Philmar Alipayo at ang mga anak nito. Kasama na rin naninirahan ng aktres ang panganay nitong anak kay Jake Ejercito na si Ellie.

Credit: Instagram / jaclynjose

Sa piniling buhay ng aktres, isa ang ina nitong si Jaclyn Jose sa mga natuwa at nagpabatid ng suporta para kay Andi at Philmar. Naging bukas din ang premyadong aktres sa publiko tungkol sa paghanga nito sa anak na si Andi dahil naging matapang ito sa paninindigan na magkaroon ng isang simpleng pamumuhay.

“Anak, hinahangaan kita sa kung anong meron ka sa buhay ngayon. Napakatapang mo sana ako din. Ang ganda ng pagpapalaki mo sa mga bata. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Anak, mahal na mahal kita at support ko lahat ng ginagawa mo. Mag-ingat palagi.”

Instagram / jaclynjose

Maraming netizens din ang humahanga sa simpleng pamumuhay ng aktres. Bukod sa trending nitong larawan na may hawak na balde habang nakaangkas sa motor, trending din ang larawan ng mag-asawa na masayang kumakain ng street food. Sa isla naging isang simpleng indibidwal si Andi, madalas din itong makita na nasa tabi ng dagat o ipinapasyal ang mga anak sa labas. Isa nga sa nakatutuwang gawain ng aktres ay ang paghihintay ng magandang sunset sa isang tulay kasama ng iba pang mga tao sa isla.

Instagram / andieigengirl

Napili naman ng aktres na ibahagi ang mga kaganapan ng buhay may pamilya sa pamamagitan ng kanilang vlog sa Youtube channel nitong Happy Islanders. Sa naturang Youtube channel ipinakikita ng aktres ang mga ginagawa nito sa isla at kung paano ang pamumuhay nila roon. Umabot na ng mahigit dalawang milyon ang subscriber ng Youtube channel ng aktres. Nagpasalamat naman ang aktres sa mga sumusuporta sa kanila.

Credit: Instagram / andieigengirl

“We are back to regular uploads every Sunday! We’ve been able to take more videos of our island life once again! Super grateful for all the blessings and we do believe busy is a good thing! We’re truly grateful for all your support and so we want to make sure we’ll always have something to share with you all. Salamat sa pagtangkilik sa aming simpleng buhay sa isla. Sana’y patuloy pa namin kayong mapangiti at kahit konti mabahagian ng mga aral at inspirasyon.”

Instagram / andieigengirl

Labis naman ang katuwaan ng ina nitong si Jaclyn Jose. Makikita rin na tila nagiging malapit na ito sa manugang na si Philmar. Sa katunayan nito ngang Father’s Day binati ng aktres ang asawa ng anak nito na si Philmar ng Happy Father’s Day sa social media at tinawag pa itong Champ. Agad namang nagpasalamat si Philmar na tinawag na nanay si Jaclyn Jose. Isang makulit na tugon naman ang isinagot ng aktres na si Andi kung saan sinabi nitong close up na close up ang larawan ng asawa sa naturang post.

Leave a Reply