Yaya Moi, Laking Pasasalamat Kay “Papa P” Sa Mga Oportunidad Na Nagbukas Para Sa Kanya

Si Piolo Jose Nonato Pascual o mas kilala bilang Piolo Pascual ay isang aktor, singer, model, endorser at producer. Sa edad na 44 years old ay nananatili itong gwapo at may matikas ang pangangatawan kung kaya naman nabansagan at kilalang-kilala siya ngayon bilang “Papa P”.

Credit: Instagram / piolo_pascual

Hindi maikakailang malayo na ang narating ng aktor sa industriya ng showbiz para ituring siyang beterano. At alam naman ng lahat na isa siya sa mga itinuturing na crush ng bayan, mapabata man o matanda. Marami ring mga aktor at aktres ang umaasang makatrabaho siya balang araw. Ngunit ang mga hiling na ito ay araw-araw natutupad sa buhay ng kaniyang personal assistant na si Yaya Moi.

Credit: Instagram / piolo_pascual

Bilang isang magaling na artista at matagal na sa industriya ay normal lang na magkaroon ito ng personal assistant na nag-aasikaso at tumutulong sa kaniya sa backstage at sa set. Salamat nga kay Yaya Moi at kumportable ang aktor sa bawat shooting o taping nito at maayos na nagagampanan ang kaniyang role.

Credit: Instagram / moibienne

Ang pagiging malapit ni Piolo kay Yaya Moi ay hinahangaan ng lahat, dahil hindi lahat ng amo ay malapit sa kanilang yaya. Habang si Yaya Moi naman ay kinaiinggitan ng maraming netizens, dahil hindi lahat ng personal assistant ay may kakayahang mapalapit, mayakap at makatabi pa ang aktor sa pagtulog katulad niya. Makikita nga sa mga instagram posts ni Yaya Moi na may kasama pang nakakatawa o sweet caption kung gaano sila kalapit ng aktor sa isat-isa.

Credit: Instagram / moibienne

Si Hatima Marcampo o mas kilala nga ng marami na si Yaya Moi ay mahigit dalawang dekada nang nagtatrabaho para sa aktor na si Piolo Pascual. Ang ganito katagal na pananatili ng isang personal assistant sa tabi ng kaniyang amo ay maituturing na pambihira talaga. Sa hirap ng pagsubok at tamis ng tagumpay ay kasama ni Piolo ang kaniyang personal asssitant ano man ang mangyari sa kaniyang buhay. Nagsisimula pa lamang ang karera ng aktor sa showbiz ay nasa tabi niya na ito.

Credit: Instagram / moibienne

Ngunit ang higit na kahanga-hanga dito ay ang pagpasok ni Yaya Moi sa showbiz na talaga namang sinuportahan ng kaniyang amo. Maaalalang pinamalas niya na ang kaniyang talento sa pag-arte noong mapabilang siya sa cast ng “Kimi Dora Trilogy” at “The Mommy Return” noong 2012. Ngayon naman ay mapapanuod siya sa “Nina Nino” na pinapalabas sa TV5 Network kasama ang aktres na si Maja Salvador.

Credit: Instagram / moibienne

Ang magandang opurtunidad na ito ng kaniyang buhay ay hindi naging hadlang para mapabayaan ang amo. Nananatili parin siyang malapit at tapat dito, at sinisiguradong hindi maapapektuhan ng kaniyang pag-aartista ang kanilang magandang relasyon sa isat-isa.

Credit: Instagram / moibienne

Masasabing napakabuting amo talaga ng aktor dahil tumagal ng dalawang dekada ang kaniyang personal assistant sa kaniyang poder, at patuloy na nananatili. Makikitang hindi lang basta isang simpleng personal assistant ang turing niya rito kundi parang kapamilya na rin. Sa tagal ng panahon nilang magkasama ay hindi na maitatanggi ang pagiging kumportable at malapit nila sa isat-isa, na maging ang anak ni Piolo na si Inigo ay malapit rin kay Yaya Moi.

Credit: Instagram / moibienne

Ang aktor na si Piolo ay higit pa sa simpleng pasahod ang iginanti kay Yaya Moi. Sinuklian niya rin ito ng kabutihang loob at pagmamahal. Tinatamasa rin ng kaniyang personal assistant ang magagandang benepisyo at opurtunidad na hindi basta-basta nabibigay ng mga amo sa kaniyang yaya.

Credit: Instagram / moibienne

Ang katulad ni Yaya Moi ay deserve parangalan ng award dahil sa pagiging loyal, masipag at mapagmahal na personal assistant. Kaya naman nararapat lang sa kaniya ang tinatamasang kumportableng buhay ngayon. Isa siyang magandang halimbawa sa lahat ng mga yaya o personal assistant sa mundo, mapa-artista man o hindi ang amo.

Habang ang aktor naman ay napaka-swerte sa pagkakaroon ng isang tapat at mapagmahal na personal assistant. Isa siyang magandang halimbawa sa lahat ng amo na itrato ng mabuti ang mga yaya o personal assistant dahil susuklian nila ito ng kasipagan, pagmamahal at katapatan.

Leave a Reply