Nash Aguas, Nakapagpundar Na Ng Sariling Bahay Sa America

Bulilit no more na nga ang Kapamilya actor na si Nash Aguas. Bukod sa pagiging aktor at commercial model ay ginulat ng aktor na si Nash Aguas ang publiko sa kasalukuyang achievements nito.

Unang tinanghal bilang Grand Kid Questor sa talent search na Star Circle Quest sa Kapamilya channel ABS-CBN ang noon ay bata pang si Nash Aguas. Nakuha nito ang puso ng mga manunuod sa bibo at cuteness overload nitong performances sa naturang palabas. Marami ring sinalihang contest ang batang Nash bago nakuha ang titulo sa Star Circle Quest.

Credit: Instagram / zachwey

Simula nito’y nagbukas ang maraming pinto ng oportunidad sa batang Nash Aguas. Napabilang siya sa mga in-demand na child actor at napili sa mga commercial. Isa rin siya sa original cast ng noo’y hit na hit na kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

Sa paglipas ng maraming taon ng karera ng aktor, kasabay nito ang kanyang pagbibinata at pagkakaroon rin ng iba pang pangarap sa buhay. Bukod sa paglabas nito sa mga teleserye at commercial, pinasok na rin ng aktor ang pangarap nitong maging isang chef. Ginulat nga ng aktor ang kanyang fans ng inanunsyo nitong isa na siyang ganap na chef.

Credit: Instagram / zachwey

Bukod pa rito ang aktor na si Nash ay isa ring matagumpay na businessman. Katunayan ay pagmamay-ari ng aktor ang restaurant na Muramen kung saan sa naturang resto ay makikita at matitikman ang mga abot-kayang Japanese food. Sa paglunsad ng aktor ng kanyang sariling kainan, agad naman itong naging patok sa mga tao, sa katunayan marami na rin itong branch sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Credit: Instagram / zachwey

Ngunit higit pa rito ang pagbabahagi ng aktor sa mga fans at maging sa publiko na nakabili na rin siya ng sariling bahay sa Las Vegas, Nevada USA. Sa edad ni Nash ay nagawa na nitong makapagpundar ng ari-arian dahil na rin sa masinop nitong paghawak ng mga kinikita nito sa pag-aartista at pagnenegosyo. Naging posible rin umano ito sa tulong ng kanyang ina na laging sumusuporta at nagtuturo sa kanya.

Credit: Instagram / zachwey

Kwento ni Nash sa kanyang Instagram dati ay pangarap lamang niya ang magkaroon ng sariling bahay, ngunit ngayon ay nasa kanya ng harapan. Labis labis ang pasasalamat ni Nash sa Diyos at sa mga taong sumusuporta sa kanya upang matupad ang pangarap na ito.

Si Nash ay nasa edad bente pa lamang at kahanga-hanga ang ipinakikita nitong sipag at dedikasyon na nagbubunga ng tagumpay. Pinakita rin ng aktor na sa murang edad ay kaya ng makamit ang inaasam na pangarap basta’t huwag sumuko, maging masipag at manalig sa Diyos na maabot ang mga ito.

Leave a Reply