Nurse, Namahagi Ng Tulong Sa Mga Pulubi Sa Gitna Ng Pandemya

Proud na ibinahagi ng nurse na si Hafiz Marohombsar sa Facebook ang kabutihan ng kanyang kasamahan sa trabaho at kapwa nurse, kung saan ay nalaman niyang tumutulong pala ito sa mga pulubi na madadaanan sa kalsada tuwing ito ay naglalakad pauwi.

Ayon kay Hafiz, nagkataon na naiwan sila ng free shuttle na maghahatid sana sa kanila pauwi. Hatinggabi na at matatagalan pa ang free shuttle bago bumalik, kaya naman inaya siya ng kasamahan niyang nurse na maglakad na lamang dahil nagawa niya na rin ito ng ilang beses at may maganda daw itong plano.

Credit: Facebook / Hafiz Marohombsar

Ikinagulat niya nga nang dalhin siya nito sa 7/11 at bumili ng mga pagkain para sa mga pulubing natutulog sa kalsada. Sinabi daw nito na sa bawat madadaanan nilang pulubi ay magbibigay sila ng pagkain. Kung magkulang man daw ay mayroon pa naman silang 7/11 na madadaanan para bumili ulit ng pagkain, at yun nga talaga ang nangyari.

Habang bumibili daw sila sa 7/11 ng pagkain, sinabi daw ng kapwa niya nurse na sana ay hindi daw tinaboy ng mga officers ang mga pulubi lalo na at panahon ng pandemya ngayon. Habang sila nga ay naglalakad, ay isa-isa na daw nilang binigyan ng pagkain ang mga pulubing nadadaanan nila, hanggang sa naubos ang pagkain na una nitong binili at bumili ulit ito sa bagong 7/11 na nadaanan, dahil marami pa nga raw silang pulubi na dapat nilang bigyan.

Credit: Facebook / Hafiz Marohombsar

Ayon pa kay Hafiz, ay nag-offer daw siya na maghati sila sa mga pinambiling pagkain ngunit tinanggihan daw ito ng katrabahong nurse. Okay na daw na magkasama silang namigay ng mga pagkain, at nagpapasalamat daw ito na kasama siya nito magbuhat ng mga pinamili at sa pagtulong sa mga pulubi.

Ilang beses na raw itong naglalakad pauwi at laging napapansin ang maraming pulubi na natutulog sa kalsada, at karamihan nga raw ay puro matatanda. Paano na raw sila sa panahong may kumakalat na sakit at walang makain.

Credit: Facebook / Hafiz Marohombsar

Hindi inaasahan ni Hafiz na ang simpleng paglalakad nila pauwi ay mabuti palang kahihinatnan. Grabe ang paghangang naramdaman niya sa simpleng pagtulong ng kanyang katrabaho. Napakalaki ng puso nito para isipin pa ang ibang tao, lalo na sa sitwasyon ngayon.

“Humanity does really exist. A simple gesture can define it,” sabi nga ni Hafiz sa kanyang Facebook post.

Credit: Facebook / Hafiz Marohombsar

Talaga namang kahanga-hanga ang kabutihang loob ng nurse na ito. Hindi siya natakot tumulong sa ibang nangangailangan, kahit na’t delikado ang sitwasyon dala ng pandemya. Imbis na matakot ay balewala ito sa kanya at nagpatuloy pa rin sa kaniyang hangarin na mag-abot ng tulong sa mga pulubing nasa kalsada.

Hindi rin biro ang kaniyang pag-gastos at pagbili ng maraming pagkain at inumin para sa mga pulubi, lalo na at dalawang beses pa itong bumili sa 7/11 para lang sa gabing iyon. Tumanggi rin ito sa tulong ni Hafiz na maghati sila, kaya’t kung iisipin ay siguradong malaki rin ang nagastos nito.

Credit: Facebook / Hafiz Marohombsar

Alam naman ng marami na maliit lang ang isinasahod ng isang nurse dito sa Pilipinas. Kaya naman talagang nakakabilib ang malaking pusong taglay ng nurse na ito. Bukod sa pagiging frontliner ay hindi rin ito nagpahuli sa pagtulong, hindi lang sa mga may sakit kundi pati na rin sa mga kapos palad sa kalsada.

Ito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Bless your good heart, your parents must be proud of you, a real nightingale.”

“God bless you more. You are truly a hero and an angel.”

Credit: Facebook / Hafiz Marohombsar

“Grabe naman yang babaeng yan! Napakalaki ng puso! Warrior na sa trabaho, ganito pa! SALUTE! Pagpalain ka pang higit ng Diyos! Hindi nasasayang ang lahat ng iyong ginagawa.”

“The Lord will continue to bless you with His grace and protection.”

Credit: Facebook / Hafiz Marohombsar

“Saludo ako sayo Ma’am, busilak ang iyong kalooban, nawa’y pagpalain ka ng Diyos.”

“You’re such a good example to those who cant afford to help and to give to the needy, keep up the good work, God bless.”

Nawa’y marami pa ang maging katulad ng nurse na ito. Isa siyang tunay na bayani at inspirasyon sa marami, na ang pagtulong ay walang pinipiling oras at sitwasyon. Kahit sino pa iyan, pasyente man o pulubi, maliit man o malaki ang tulong, lahat ay may kakayahan kung gugustuhin natin.

Leave a Reply