Mag-Amang KC At Gabby, Napapanatili Pa Rin Ang Closeness Sa Isa’t Isa

Kilala ang mag-amang Gabby at KC Conception bilang isa sa mga showbiz royalties dito sa Pilipinas. Panganay na anak nina Gabby Conception at Sharon Cuneta ang aktres/host/commercial model na si KC Conception. Madalas nating napapanood sa telebisyon at harap ng kamera ang mag-ama. Ngunit paano nga ba ang turingan nina Gabby at Kc off-cam?

Credit: Instagram / kristinaconcepcion

Hindi lingid sa publiko na hindi nakasamang lumaki ni KC ang ama nito. Ito nga ay nang maghiwalay ang ina nitong si Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Ngunit sa kabila ng mahabang panahon na ito, ngayon ay masayang ibinabahagi ng aktres na si KC ang kaganapan sa kanyang buhay. Lalong lalo na ang pagkakaroon nila ng quality time ng ama.

Credit: Instagram / kristinaconcepcion

May pagkakataon rin na kasama niyang naglalaro ng monopoly ang ama kasama ng bagong pamilya nito. Sa Batangas din napili ni KC na i-celebrate ang kanyang kaarawan. Makikita sa mga larawan ng aktres na masaya ito kasama ng ama maging ang mga kapatid kay Gabby.
Naging espesyal naman ang Father’s Day para kay Gabby nang batiin ito ni KC. Puno ng pagmamahal ang mensahe ng aktres sa kanyang ama na sinamahan pa ng isang throwback photo.

Credit: Instagram / kristinaconcepcion

Big sister nga ang ginagampanan nitong papel ngayon sa kanyang mga nakababatang kapatid sa ama na sina Samantha at Savannah. Kasama siya nitong nagdiwang ng Easter Sunday sa Lobo, Batangas. At kitang kita rin na hindi lamang kay Gabby ito malapit gayundin sa mga kapatid nito na lagi niyang kasama sa mga IG post.

Credit: Instagram / kristinaconcepcion

Madalas din umano niyang katawagan ang amang si Gabby, katunayan ipinost niya ito sa kanyang IG account na may caption na “My forever date. Phone conversations or kayaking dates at the beach. I love it”.
Gayundin ang text messages ni Gabby na nagpapakita kung gaano ito ka proud at kamahal ang anak nitong si KC.

Credit: Instagram / kristinaconcepcion

Saad ng aktres kahit na may kanya-kanyang pamilya na ang kanyang mga magulang ay hindi ito naging problema. Bagkus ipinakikita niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga kapatid sa panig ng ama nito at maging sa panig ng kanyang ina. Nababalanse umano niya ang dalawang pamilya at binibigyan ito ng importansya. Lagi ring ipinakikita ng aktres ang pagmamahal nito sa mga ito.

Credit: Instagram / kristinaconcepcion

Dagdag pa ni KC, marami mang oras ang nawala sa kanila ng amang si Gabby, marami naman itong naging kapalit. #GirlDad nga ang caption ng aktres sa isa nitong IG post.

Leave a Reply