Pinay, Isa Palang Prinsesa Matapos Madiskubre Na Hari Ang Kanyang Ama

Pagiging prinsesa ang isa sa pangarap ng mga kababaihan. Magarbong palasyo, impluwensya at kapangyarihan ang isa sa mga nakikita natin sa mga fairy tales. Sa kabilang banda, ano nga ba ang pakiramdam na mamuhay bilang isang tunay na prinsesa sa mundo ng reyalidad?

Credit: Facebook / Humans Of New York

Ang kuwentong ito ay base sa totoong buhay ng isang ma -inang Pinay. Simula pagkabata, hindi niya nakita ang kanyang ama at tanging sinasabi lang sa kanya ng kanyang ina ay busy ito dahil isa siyang hari. Dala ng pagkabata, masaya na siya sa ideyang siya ay isang prinsesa.

Aniya “I remember there was a day in kindergarten when we were supposed to bring our dads to school. It was some type of performance or something. I’d never met my father. So, I asked my mom if he could come, and she told me: ‘He’s too busy. He lives in Malaysia. And he’s a king.’ My father was a king? That meant I was a Princess. It made me feel so proud.

Source: Facebook / Humans Of New York

Ngunit habang nagkakaisip siya, napaisip siya kung totoo ba ang sinabi ng kaniyang ina. Hanggang sa hindi na niya pinaniwalaan ito dahil para sa kanya sinasabi lang ito ng kaniyang ina para hindi na mabagabag ang kaniyang loob na wala siyang nakakasama o nakikitang ama.

Pinalaki siyang mag-isa ng kanyang ina kaya naging matatag ang pananaw niya na hindi ‘isang hari’ ang kaniyang ama. Para sa kanya, kung isa talaga siyang prinsesa, hindi simpleng pamumuhay ang natatamasa nila ng ina. Base sa kaniya, nangungupahan lang sila noon at sa tuwing tinatanong niya ang ina kung nasaan ang kaniyang ama, konting detalye lang ang sinasabi nito.

Source: Facebook / Humans Of New York

Kwento niya, nagtrabaho ang kaniyang ina sa Malaysia bilang nurse at nakikila nito ang kaniyang ama sa isang party na isa daw hari.
Dagdag pa niya “But the rest of the story seemed to be painful, so I took it upon myself to never open that box. I stopped thinking about it.”

Mula bata pa siya ay madalas na niya tinatanong ang kanyang ina patungkol sa kanyang ama, ngunit sa tuwing ito ay kanyang ginagawa ay umiiwas ang ina niya, at iilang detalye nga lamang ang sinasabi sa kanya na kalaunan natanggap na rin at wag nang magtanong.

14 year old siya nang mag-migrate sila sa United States. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakatanggap sila ng tawag sa hindi kilalang numero. Matapos itong kausapin ng kaniyang ina, sinabi nitong pupunta sila sa London upang makilala nito ang kaniyang ama.

Sa isang hotel restaurant, nakaharap niya ang ama at napagtantong totoo ang sinabi ng kaniyang ina. Ang ama niya ay isang dating hari ng Malaysia, kilala siya bilang ‘Sultan Ahmad Shah of Pahang’. Sa pagkakataong iyon, may mga kasama itong tauhan sa kanilang pagsasalo-salo. Nakatanggap din siya ng komento mula sa ama na kamukha raw niya ang kaniyang kapatid na anak niya na siyang ikinatuwa niya.

Source: Facebook / Humans Of New York

Nabanggit sa usapan ng kaniyang magulang ang paghingi ng financial support ng kaniyang ina na pinaunlakan naman ng hari. Kadugtong nito, humiling ito ng paternity in writing at ito’y para magampanan niya ang pagiging ama sa kaniyang anak sa paraang legal. At ang naging tugon daw ng ama niya ay: “But she also wanted paternity in writing, which was never agreed to.”

Source: Straits Times

Gayunpaman, nagkita sila ng kaniyang ama sa pangalawang pagkakataon ngunit hindi rin ito nagtagal. Aniya “I was never brought into a family. I was never fully acknowledged.” Hindi niya nakilala ang pamilya nito pero masaya na siya sa pagkakataong iyon dahil sa wakas nakilala niya na ang kaniyang ama personally. Sapat na para sa kaniya ang pagnanais ng ama na makilala siya at kinilala bilang isang anak.

Source: Facebook / Humans Of New York

Hindi pinangalanan nang naglahad sa “Humans of New York” ang nasabing babae. Ibinahagi nito ang nakakapukaw na istoryang nasa likod ng palasyo. Isang reyalidad na nagdala sa kaniya upang tanggapin ang kaniyang sitwasyon at mamuhay ng masaya kung ano man ang parte ng pagkatao niya. Pinakita nito ang tamang timpla ng happy ending. Hindi sa paraan ng pamumuhay bilang isang prinsesa kundi sa paraan na pagtanggap na kahit sa mabilis na pagkakataon, nagkaroon siya ng amang hari na tinuring siyang kayamanan.

Leave a Reply