Roselle Nava, Nasaan Na At Bakit Nga Ba Nawala Sa Mundo Ng Pagkanta?

Si Roselle Nava, ang tinaguriang 90s Philippine Pop Queen dahil sa mga sumikat niyang kanta gaya na lamang ng Bakit Nga Ba Mahal Kita, Dahil Mahal na Mahal, Mahal Mo Ba’y di na Ako, atbp. kasabay nila Tootsie Guevarra at Carol Banawa na nagbigay kulay sa OPM noong 90s.

Samantala, marami ang nakaalala sa kanya nang sumikat ang cover version ni Gigi De Lana sa kanta niyang Bakit Nga ba Mahal Kita. Marahil isa ka sa na-curious kung nasaan na nga ba ang isang sikat at beterano sa OPM noong 90s.

Credit: Instagram / rozie328

Naging miyembro siya ng youth oriented show na  ‘Ang TV’ Kids noong 1990s kasama sina Jolina Magdangal, Rica Paralejo, Angelu de Leon, Claudine Barretto, Victor Neri at Antoinette Taus. Pero mas nakilala siya nang sumabak sa mundo ng musika. Naging regular performer siya sa ASAP noong 1995 hanggang 2004.

Sa kalagitnaan ng kasikatan niya, nagkaroon siya ng problema sa lalamunan na kung saan nag-suffer at nasubok ang kanyang career. Kalaunan, napagtagumpayan niyang malagpasan ito at nabawi ang kanyang boses sa tulong ng healing sessions. Nakatulong din ang pinakitang suporta ng kanyang mga fans para sa kaniyang recovery.

Credit: Instagram / rozie328

Kasunod nito, naikasal si Roselle kay Allen Ford Lee Tan noong January 18, 2010 sa Manila Cathedral. Si Allen ang kaniyang business partner at nasabing nagkakilala ang dalawa dahil sa kanilang mutual friends. Biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, pinangalanan silang Rafa at Ram.

Credit: Instagram / rozie328

Ngunit hindi naging madali ang naging buhay niya bago maging ina sa dalawang anak. Dumating ang panibagong pagsubok kung saan naranasan niya ang miscarriage. Aminado siya na hindi naging madali ang mga panahong iyon dahil ito ang dapat na first baby nila. Gayunpaman, naging matatag siya at nalagpasan ang panibagong pagsubok sa tulong ng kanyang asawa.

Credit: Instagram / rozie328

Sa kasalukuyan, pumasok siya sa mundo ng politika. Year 2016 noong tumakbo at nanalo siya bilang Councilor ng Paranaque. Hanggang ngayon, nagseserbisyo pa rin sa bayan nila, masaya at thankful naman daw siya sa pamumuhay niya sa ngayon at paminsan-minsan nagkakaroon siya ng TV appearance tulad ng pagiging guest niya sa Kapamilya Morning Talk show na Magandang Buhay.

PHOTOS: Magandang Buhay with Roselle Nava | ABS-CBN Entertainment
Credit: ABS-CBN / Magandang Buhay

Nitong Marso lang, nagdiwang ng ika-45 na kaarawan si Roselle. Nag-iwan siya ng mensaheng “I just turned another year older, today I turned 45. I have so many things to be thankful for! I have been really blessed and for that my heart is full and filled with appreciation,” pahayag niya sa pagiging thankful at feeling blessed sa kung anong meron siya ngayon.

Credit: Instagram / rozie328

“I hope that we can overcome all the hardships and challenges we are facing now. Keep safe everyone and always remember to make every moment count especially with those people who truly matter the most! Family is love. Special thanks to my hubby, Allen and the rest of my family. Thanks to those who remembered and sent me warm greetings.” Patunay na hanggang ngayon kumikinang pa rin siya sa sarili niyang paraan.

Leave a Reply