Sekyu, Nagtitiis Sa Kanyang Ulam Na Chichirya Para Makapagpadala Ng Sustento Sa Pamilya

“Ang pamilya ay hindi isang mahalagang bagay, ito ang lahat,” kasabihan mula kay Michael Fox.

Lahat tayo ay may mga mahal sa buhay at nangunguna na nga rito ang ating pamilya. Ito ang nag-iisang relasyon na talagang sinusubok ng panahon dahil sila ang ating takbuhan sa tuwing nakararanas tayo ng mga mabibigat na sitwasyon sa buhay. Kahit ano man ang mangyari, talaga ngang pinapahalagahan natin ito at iniingatan kahit pa sa hirap o ginhawa. Pero hanggang saan ang kaya mong isakripisyo alang-alang sa iyong pamilya?

Credit: Strait Times

Kamakailan ay nag-trending sa social media ang isang larawan ng isang ama na nagtitiis para sa kanyang pamilya na nasa probinsya. Nakunan ng litrato ang taong ito na sa aktong kumakain at ang ulam lamang ay chichirya. Ang nakapagtataka ay may kakayanan naman itong bumili ng maayos-ayos na ulam ngunit hindi niya ito ginawa. Ang larawan ngang ito ng nasabing security guard ay ibinahagi at kinunan ng netizen na kinilalang si Ralph Reymond Hermano Getanes.

Credit: Facebook / Ralph Hermano Getanes

Ayon sa naging pagbabahagi ni Ralph, namataan niya umano ang security guard na kumakain at napansin nga niya na ang inuulam nito ay ang chichiryang Ding Dong. At sa pagtataka nga ay tinanong niya ito kung bakit nagtitiis itong mag-ulam ng nasabing chichirya, kung saan ay sinagot din ito ng security guard na nagtitipid umano ito para malaki ang maipadalang sustento sa kanyang pamilya.

Credit: Pagkain Pinoy

Ayon pa umano kay Ralph ay sinabihan niya ito dahil nakakapag-aalala ang ganitong gawain ng security guard sapagkat hindi nga naman ito nakabubuti sa kalusugan nito lalo pa’t isa itong bantay na kailangan ay nasa maayos na kalusugan at pangangatawan.

Maluha-luha nga raw ito nang pakinggan ang kanyang opinyon, pero ayon sa security guard, ay ginagawa niya umano ito para sa kanyang pamilya na umaasa sa kanya. Nais niya na kahit papaano ay malaki-laki man lang ang maipadala niya sa mga ito. Siya ay todo tipid na maging ang ulam niya ay sinasakripisyo para may maipandagdag.

Credit: Facebook / Ralph Hermano Getanes

Marami ang naantig sa sitwasyon ng security guard at heto ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen:

“Mahal ka ng mga anak mo Tay! God bless. Ingat ka po palagi. Darating ang araw magiging maginhawa na rin ang buhay mo kasi mapagtatapos mo sila.”

“Sana lang balang araw lahat ng paghihirap mo masuklian. Saludo ako sayo at sa mga taong tinutulungan mo. Sana makita nila ang lahat mapatapos mo lang sila. God bless po.”

“Kawawa naman si Kuya, ang sakit-sakit makakita ka nang ganitong tao na nagsisikap sa pamilya. Hindi bale ganito ang kinakain niya basta okay ang pamilya niya. Kahit man lang sana sardines ulam niya.”

“Sana matulungan si Sir ng nakakaluwag sa atin. Saludo ako sa’yo Boss, ramdam ko hirap at sakripisyo para sa pamilya natin. Long live sa’yo Sir. God bless.”

Tunay nga na lahat ng mga sakripisyong ito ay karapat-dapat palakpakan. Sapagkat nakakapagbigay ito ng inspirasyon sa kung sino man ang makakapagbasa ng ganitong kwento. Mabuhay ka, Sir!

Leave a Reply