Post-Pregnancy Body Ni Sheena Halili-Manzanero, Usap-Usapan Ngayon Sa Social Media

Aliw na komento ng netizens kay Sheena Halili, “Nanganak ka ba”?

“SANA ALL”—madalas natin itong naririnig sa ibang tao bilang isang ekpresyon at pagpapahiwatig ng pagkamangha. Habang ang ilan ay hirap na hirap sa kanilang pagbabalik alindog pagkatapos manganak, trending naman ang Kapuso actress na si Sheena Halili sa tila effortless nitong pagkakaroon ng post-pregnancy body!

Credit: Instagram / mysheenahalili

Kinaaliwan ng maraming netizen ang larawan ng aktres na si Sheena Halili sa kanyang Instagram post. Mga larawan ng aktres na tila hindi galing sa panganganak. Maraming netizens tuloy ang nagkomento sa naturang litrato. Komento ng ilang netizens sa kanyang posts:

“What? Nanganak ka ba talaga? Sana all po.”

“Parang wala namang nangyari, so sexy pa din.”

“Wow sexy agad agad!”

Credit: Instagram / mysheenahalili

May netizens din ang hindi nakatiis na magtanong sa aktres kung anong exercise ang ginagawa ni Sheena para maibalik kaagad ang dati nitong hugis at hubog ng katawan. May kapwa celebrity moms din ang nagkomento at napa-wow sa aktres dahil sa pagiging sexy nito kahit kapapanganak pa lamang. Kwelang komento ni Chariz Solomon sa isa sa Instagram post ng aktres: “Woi bakit wala ka na agad puson hahahaha sexy agad!”

Credit: Instagram / mysheenahalili

Looking great nga naman ang aktres kahit ito’y busy sa pag-aalaga ng anak. Noon pa man ay nakilala at napapanood na ang aktres sa GMA 7 at isa sa tumatak sa mga manonood maliban sa galing nitong pag-arte ay ang pagiging sexy at petite nitong imahe. Aktibo ang aktres sa social media accounts nito kung saan siya nagpo-post ng larawan nila ng kanilang masaya at makulit na pamilya.

Credit: Instagram / mysheenahalili

Hindi rin nakalampas sa mata ng publiko ang cute na cute na anak ng aktres. Sabi ng netizens tila isang japanese doll at cuteness overload ang anak ni Sheena. Halata rin sa katawan ng anak ng aktres na si Sheena ang magandang pag-aalaga at dulot ng pagiging “breastfeeding mom” nito. Kahit first time mother ay nagagawa ng aktres na mamentena ang katawan nito. Nakilala rin ang aktres sa pagiging kwela at makulit nito. Sa katunayan tuwang-tuwa ang followers nito sa Instagram nang minsang magbiro ito. Ani Sheena sa kanyang post: “Ako ang naglihi, nagka-strech marks, nag-labor, nanganak, nag-injection every meal, napupuyat, nagpapaligo, nakikipaglaro at nagpapa-breastfeed pero TATAY ANG KAMUKHA! HUWAW diba!”

Credit: Instagram / mysheenahalili

Ibinahagi rin ng aktres noon ang pinagdaanan niya noong nagsisimula palang ang kanyang ‘pregnancy journey’. Aniya katulad rin ng maraming mommy, nakaranas si Sheena ng matinding hairfall. 11 weeks din siyang hindi makakain at maka-inom ng tubig ng maayos. Dahil ayaw umano niya ng lasa ng tubig at amoy ng kanin o kahit anong ulam. Kaya naman maraming netizen ang natutuwa at nalampasan na ito ng aktres at ngayon nga ay parang walang bakas ng panganganak.

Leave a Reply